Tuloy tuloy na pumasok siya sa opisina ni DJ. Hindi niya pinansin ang pagpigil sa kanya ng secretary nito. Kailangan niyang makausap ang binata.
Kaninang umaga kasi paggising niya ay wala na siyang naabutang Alyssa sa bahay. To make the story short, nilayasan lang naman siya ng mabait niyang kapatid at nakipagtanan sa Vaughn na iyon!
For Pete's sake! Napakabata pa ng kapatid niya para gawin ang bagay na iyon. Kasalanan iyon ni Vaughn kundi dahil sa impluwensya nito ay hindi sila mag aaway magkapatid at hindi uuwi sa puntong kailangan pa nitong maglayas.
"We need to talk."agad na sabi niya pagkabukas ng pintuan ng office ni DJ.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinabi na niya ang sadya niya.
"Where's Vaughn?"
"Why are you asking for my brother?"
"Saan niya dinala ang kapatid ko?"
"What do you mean saan dinala ni Vaughn si Alyssa? Don't tell me?"
"Yes! Tinanan lang naman ng magaling mong kapatid ang kapatid ko! Kaya mabuti pa ilabas mo na kung saan lungga nagtatago yang si Vaughn!"galit na sabi niya.
Agad na nilapitan siya ni DJ at hinawakan sa balikat.
"Relax, lilitaw din ang dalawang iyon. Ano ba kasi ang nangyari at humantong sa paglalayas ang dalawang bata?"
Inis na tinabig niya ang kamay nito na nasa braso niya.
"Huwag mo kong marelax-relax dyan, Didrey! Dahil kapag hindi nilabas ni Vaughn ang kapatid ko ngayong araw lagot kayo sakin!"
Imbes na matinag sa banta niya ay unti unti itong lumapit sa kanya. Natigilan siya nang bigla na lang nitong inipit ang buhok niya sa punong tenga niya sabay haplos sa pisngi niya.
Ramdam niya ang hindi maipaliwanag na sensasyon na muling nabuhay ng magdikit ang mga balat nila. Napansin niyang natigilan din ang binata sa bay titig sa kanya. Naramdaman din kaya nito ang sensasyong nadama niya ng magdikit ang mga balat nila? It seems the old sensation that she felt before came to be alive again.
Pinilit niyang ibalik ang katinuan. Hindi mahalag kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ang kapatid niya ang kailangan niyng unahin.
Inilayo niya ang mukha mula sa paghaplos ng binata.
"Luzzel.."
"We have to fine them. Kailangan Makita natin ang kapatid ko. Hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya."
She heard him sighed. Hindi na niya hinayaan na magsalita ito. Agad niyang binigay ang sulat na iniwan ng kapatid niya.
"We need to go to Del Carmona Highland. Now."
TAHIMIK lang siya habang katabi si DJ na kasalukuyang nagmamaneho. Papunta sila sa Del Carmona kung saan nandoon ang kapatid niya at si Vaughn. Napag-alaman din niyang pagmamay-ari ng pamilya ni DJ ang kugar kaya lalong kumulo ang dugo niya kay Vaughn. Mukhang hindi nga siya nagkakamali na masisira lang ang buhay ng kapatid niya sa lalaking iyon.
"Luzzel.."pukaw ni DJ sa kanya.
Pinili niyang huwag kumibo. Hanggang ngayon kasi ay kumukulo pa din ang dugo niya.
"Look, Luzzel. I know what you're thinking. Hindi kasalanan ni Vaughn ang lahat. I hate to say this pero I think ginusto din ni Alyssa na sumama sa kapatid ko."
She hissed. "Kung hindi dahil sa sulsol ng kapatid mo hindi gagawin iyon ni Alyssa. Kilala ko ang kapatid ko. She wouldn't do such stupid thing."
"Don't you think you're being unfair to them? Lalo na sa kapatid mo? Sa nakikita ko sa dalawang bata, they're in love with each otjer. Dahil bas a ginawa ko noon sayo kaya mo sila pinipigilan?"
BINABASA MO ANG
Hermoso Avenue Book I: Second Chances in Love
RomanceHindi akalain ni Luzzel na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Didrey James Perez, ang lalaking ilang taon din niyang kinamuhian dahil sa pananakit nito sa batang puso niya. Unang araw palang nila sa Hermoso Avenue ay gwapong mukha na nito...