PARANG susugod siya sa gyera ng mga oras na iyon habang papasok ng building ni DJ. Kailangan niya itong makausap para sabihing hindi naman talaga siya pumayag sa binigay nitong kundisyon. Hanggang ngayon ay inis pa din siya sa ginawa ng kapatid niya.
"Where's Didrey James?"agad na tanong niya sa secretary nito.
"Ms. Alegre, he's in his office right now."
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng babae at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ni DJ. Naabutan niya itong abalang-abala sa pagbabasa ng papeles sa table nito.
"Didrey, I want to talk to you."
Imbes na sagutin siya nito ay sumenyas lang ang binata na halatang ayaw paistorbo sa ginagawa.
Nang mga sandaling iyon ay nagkaroon siya ng chance na masilayang muli ang gwapong mukha ng binata. Noong sila pa ten years ago ay masasabi niyang walang inatupag ito kundi barkada at paglalakwatsa. Tanda pa nga niya na lagi nilang pinag-aawayan na mas may time pa ito sa mga barkada. Pero sa nakikita niya ngayon ay napakaseryoso na ng aura at personality nito. Malayong malayo sa DJ na nakilala niya noon.
Dahil sa sobrang pagtitig niya sa binata ay napapitlag siya ng bigla itong tumayo.
Nagkatitigan silang dalawa ni DJ. Hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang napamaang ng ngitian siya ng binata. Feeling niya ng mga sandaling iyon ay sobrang ligalig ng puso niya. Halos dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok ng dibdib niya.
Anak ng patola! Ano bang meron sa ngiti ng lalaking ito at ganito nalang ang epekto sa kanya?
"Hi."bati nito sabay lapit sa kanya.
Ngayon na halos kalahating dipa na lang ang layo nila sa isa't isa. Ramdam na ramdam niya ang presensya nito.
"You look beautiful as always, Luzzel."sabi nito na hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi.
Napamaang pa siya ng bigla nitong ibigay ang mga papeles na kanina lang ay binabasa nito.
"This is your first day as my personal assistant, Luzzel. We have an important meeting to attend."sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.
Hindi na siya nakapag react sapagkat tuloy tuloy itong lumabas ng office.
Inis na napahugot siya ng hininga. Diba't ang plano niyang talaga ay ang sabihin s abinata na hindi naman siya pumayag sa proposal nito? That it is all misunderstanding? Pero bakit sa tuwing makikita niya ang magandang mata nito ay parang may malakas na kapangyarihan na pumipigil sa kanya?
Gaga! Baka gusto mo lang talagang makasama si DJ!
Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang bagay na iyon. Dapat masabi na niya sa lalaking iyon ang totoong pakay niya.
Dali-dali siyang sumunod sa binata. Naabutan niya itong abala sa pakikipag-usap sa secretary nito.
At sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman siya pinansin ni DJ. Sumenyas lang ito na sumunod dito.
"Didrey, there's something I need to tell you-"
naputol ang sinasabi niya ng humarap ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.
"Darling, you can tell that to me later, okey? "
Lalo siyang naguluhan ng hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. Hindi man halata sa ekspresyon ng mukha nito ay alam niyang kinakabahan si Ddirey James ng mga oras na iyon. Nababasa niya iyon base sa kislap ng mga mata nito.
Pumasok sila sa isang malaking conference room. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya ng bumungad sa kanya ang mga tao sa loob niyon. Ang hula niya ay mga stockholders iyon at mga directors sa company nito. Tatanggalin sana niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakagagap nito.
BINABASA MO ANG
Hermoso Avenue Book I: Second Chances in Love
RomanceHindi akalain ni Luzzel na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Didrey James Perez, ang lalaking ilang taon din niyang kinamuhian dahil sa pananakit nito sa batang puso niya. Unang araw palang nila sa Hermoso Avenue ay gwapong mukha na nito...