Chapter Six

26 0 0
                                    

"READY ka na ba, Ate?"

Napailing siya ng muling marinig ang tanong na iyon ng kapatid niya. Simula kasi ng malaman ni Alyssa na invited siya sa party ni Travis Laurel ay hindi na magkandamayaw ang excitement nito. Sa katunayan ay ito na ang namili ng dmait na susuotin niya sa party.

Talaga namang talk of the town ang birthday party ng binatang actor at international model. Walang kaduda dudang pagkatapos ng party ay nasa mga news papers ito. Kaya nga hindi na niya mapapalampas ang pagkakataon para mas lalong mapalawak ang network niya at makatulong sa business niya.

"Ate! Susmiyo, Luzzel Alegre. Baka tapos an ang party pagdating natin sa bagal mong kumilos."dakdak ng kapatid niya na ngayon ay sinamahan na ng pagkatok sa pintuan.

Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay kinuha niya ang pouch niya at binuksan ang pinto kung saan naghihintay ang kapatid niya. Napasipol ito ng Makita siya.

"Wow, Ate. You look great. I'm sure lalagapak ang panga ni Kuya Didrey sa ganda mo."nakangising sabi nito.

Napairap siya."Bakit na naman napunta kay Didrey ang usapan? Nandoon ba siya?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Why don't you call him."she smirked at her.

"Dami mong kalokohan. Let's go. Brent is waiting for us."

"Duh? Kiber."

Hindi na lang niya pinansin ang patutsa ng kapatid niya. At dahil nasa loob din naman ng Hermoso ang venue ng party ni Travis ay wala pang limang minuto ay nasa mansion na sila nito. Pareho silang namangha ng kapatid niya ng Makita kung gaano ka-engrande ang kaarawan ng binata. Halos lahat ng mga bisita ay halatang may sinasabi sa buhay ay mga bigating negosyante at politico sa bansa.

"Bongga pala mag pa party si Papa Travis ko."amazed na sabi ni Alyssa habang ginagala ang tingin sa kabuuan ng lugar.

"Same old Travis. Masyadong nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao."komento ni Brent na nasa tabi niya.

"You know him?"she asked.

"Yeah. He's my cousin. Sabay kaming lumaki."

Hindi na siya nakapag react sa sinabi nito dahil paupo na sila sa isang bakanteng lamesa. Inalalayan siya ni Brent na makaupo. Ilang minute na silang nag-uusap ng lalaki ng mapansin niya ang natatawanang grupo ng kalalakihan sa lamesa na malapit sa kanila. Kumunot ang noo niya ng makilala ang isa sa mga iyon. Si Yasser. At hindi nga siya nagkamali na kasama din nito si DJ na hindi maipinta ang mukha ng mga sandaling iyon.

Kumabog ng husto ang dibdib niya ng magkasalubong ang tingin nila ng binata. He just stared at her na para bang puno ng pang-aakusan ang tingin nito. Siya na ang unang nagbawi ng tingin. Ano na naman ang kasalanan niya at nag iinarte ito ng ganoon?

Napapitlag siya ng bigla ng lang hawakan ni Brent ang kamay niya.

"Are you okey? Parang namumutla ka?"

Umiling lang siya dito ngunit hindi kumibo. Bakit ba hindi niya naisip na dadalo din sa party si DJ? Malaki ang posibilidad dahil taga Hermoso Avenue ito.

Maya-maya ay lumapit sa kinarorooan niya si Yasser.

"Hi, Luzzel. How are you? It's been a while. Anyway, may two seats pang available sa table namin. Why don't you join us? Para naman makilala naming ang kasama mo. The more the merrier."nakangiting sabi ni Yasser sa kanila.

Gustuhin man niyang tumanggi ngunit wala na siyang nagawa ng tumayo si Brent sa upuan at alalayan pa siya papunta sa table nila DJ. Ang bakanteng upuan pa naman na tinutukoy nito ay sa tabi ni DJ kaya no choice siyang umupo doon. Kilala niya ang bituka ni Yasser tiyak niyang may iniisip itong kalokohan sa kanilang tatlo.

Hermoso Avenue Book I: Second Chances in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon