Chapter Nine

30 0 0
                                    

NASILIP niya mula sa garden ang mama ni DJ. Wala kasi siyang magawa ng hapon na iton at kakatapos lang niyang mag siesta. Nagpapahinga pa din kasi ang kapatid niya. At isa pa, wala silang itinerary.

Marami na din silang nagawa na nasa bucket list ng kapatid niya and they enjoying it that much. Halatang pinagplanuhan iyon ni Alyssa.

Tumikhim muna siya para makuha ang atensyon ng ginang na abala sa pagtingin ng photo album na hawak nito. Agad na nginitian siya nito ng Makita siya at sumenyas na maupo sa tabi nito.

"Join me, hija."

Pagkaupo niya ay nakatingin din siya sa larawan. At kung hindi siya nagkakamali ay mga baby pictures iyon ni DJ.

"Nasumpungan ko lang tignan yung mga pictures ni DJ. He was cute lalo na nung baby siya."

Napatango siya. Tama nga ang ginang. Ang cute ng binata nung baby pa ito.

"Daddy's boy yang si DJ. Hindi nga mawalay sa anino dati ng daddy niya yan. Kung nasaan si Derrick asahan mong nandoon din siya. Kaya nga matagal bago naming nasundan siya."

Pareho pa silang napahagikgik sa sinabi ng ginang. Marami pa silang pictures na tinignan. Hanggang sa mapunta sila sa age na nakilala niya ang binata/

Isang picture ang pumukaw siya interest niya. Ang larawan na iyon ay parang kuha sa ibang bansa. After break up nila ay nagpunta sa ibang bansa ang binata? She have no idea. Nawalan na kasi sila ng communication noon.

"Saan po itong kuha na ito, Tita?"hindi nakatiis na tanong niya.

Napansin niyang parang bigla itong nalungkot.

"That picture was taken ten years ago. Sa America yan kinuhaan."sabi nito sabay hinga ng malalim.

"M-may nangyari po bang masama sa kanya that time?"

Hinimas muna nito ang larawan bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ten years ago haloks nalugi ang lahat ng business ng pamilya ko. Na bankcrupt ang mga negosyo ng parents ko at napakalaking epekto niyon sa buong pamilya. Hindi iyon nakayanan ni Daddy kaya inatake siya sa puso. That time, nineteen years old pa lang si DJ. He was close to his grandfather kaya dinamdam iyon ng husto ng anak ko. Bata pa lang si DJ ay tine-train na ni Daddy dahil gusto niyang ito na ang humawak ng company niya that time."

Napansin niyang ikinuyom nito ang kamo marahil ay naalala nito ang nangyari ten years ago.

"Dahil sa kasakiman ng tanong iyon ay namatay ang Daddy ko. Kaya hinding hindi ko siya mapapatawad. Tanging naiwang lang samin ay ang hospital ng asawa ko. Kalahati ng ari arian naming ay napunta lang para makabayad sa utang naming sa bangko. At kalahati noon ay kinamkam ng demonyong iyon."

"That time, noon ko lang napansin ang galit ni DJ. Alam kasi niya kung ano talaga ang totoong nangyari. He promised to my father's grave na babawiin niya ang lahat ng nawala at inagaw sa pamilya naming. Ang buong akal ko ay hindi siya seryoso dahil na rin sa bata pa siya noon. Then we decided to migrate In America. Doon nagbaog ang pananaw ni DJ. Naging seryoso na siya sa pag aaral. In two years, nabalitaan ko anlang nakikipagsosyo siya sa negosyo sa kapatid ko. Halos buong buhay niya ay isinubsob niya sa negosyo hanggang sa unti unti kaming nakabangon. He build his own empire at ang mga dati anming negosyo ay nabawi na niya. He missed half of his life. Hindi niya iyon naenjoy dahil sa nangyari. But im happy kung ano ang naabot niya ngayon."

Huminga muna ito ng malalim saka siya binalingan.

"Luzzel, thank you for giving may son a second chance. Hindi ko man alam ang nangyari sa inyo sati pero kung anuman ang kasalana na nagawa niya sana napatawad mo an siya. After ten years, ngayon ko lang nasilayan ang ngiti ng anak ko."

Hermoso Avenue Book I: Second Chances in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon