Chap-chap 3: Tragic

386 7 2
                                    

            

               Ang gusto ko lang talaga ay ang makagraduate ng high school, ng tahimik, masaya, at magkaroon ng madaming kaibigan...






Teka lang..




Pwede bang.. pahintuin muna ang oras?








Kahit ngayon lang?








Totoo ba to?






     Ngayon lang nangyari sa kwento ng buhay ko to. Madami ng kabaliwang naganap sa buhay ko bilang estudyante. As in.. yung ganito, oo yung ganito nga. Ganitong ganito!!!

Pero bakit sa lahat ng tao, bakit sya pa?!


Grabe, Shin. Grabe..
         Natapunan mo sya. Natapunan mo lang naman sya ng lemonade.

Malagkit na lemonade.. may mga kahalo pang yelo.

       Oo Shin, natapunan mo nga sya. At.. Halos lahat ng tao sa cafeteria.. nakatingin.. samin?

        Pati yung kasama ni Justin na dalawa naming classmates, nagulat din sila at natatawa tawa sa nangyari kay Justin. Napatingin uli ako sa uniform nya. Tumapon halos lahat ang natirang lemonade sa dibdib nya.

May kaunti din sa pants..

Napatingin ako sa white cup ng lemonade na tumilapon sa tapat naming dalawa. Amoy na amoy yung scent ng lemonade.




Teka..
      Ano nang gagawin ko ngayon? Ano sasabihin ko sa kanya?


"Anong gagawin ko.."

       Nakatingin pa din sya sakin, hindi ko alam ang iniisip nya pero siguradong galit sya at diring diri sa kalagkitan ng lemonade sa damit nya.

      Sinubukan nyang hawakan yung damit nya na may lemonade at lalo syang nanlagkit.

"Uhm.."

Breathe in..

Breathe out..



      Mukang ang bagal ng pangyayari pero ang totoo.. Mabilis lang ang lahat.




Tama. Kasalanan ko, so ako dapat humingi ng tawad. Hindi ko naman talaga sinasadya.





"Sorry.."




Bakit hindi ko masabi yun?
        Kasi.. natatakot ako. Or siguro, ayaw ko kasi sa kanya?

        Natatakot ako na hindi ko maipaliwanag o para man lang mapagtanggol ko sarili ko. Dapat talaga nagsorry nalang kaagad ako kanina. Napatingin uli ako sa damit nya.

     Nagulat ba ako kasi si Justin ang natapunan ko?

Edi ibigsabihin pala mas trip ko pa kung ibang tao nalang natapunan ko?

        Pero aksidente nga lang.. Hindi nga planado. Kaya nilunok ko ang laway ko at tumingin sa kanya.

"Uhm.. Sorry.." winasak ko ang sandaling katahimikan na namamagitan sakin at sa malagkit na si Justin. Bukod sa hindi ko alam ang iniisip nya, wala din syang emosyong pinapakita. "Hindi ko naman sinasady--"


Eh?


"Ah!"

Sinipa nya yung cup ng lemonade papunta sakin. May laman pang kaunti at nagtalsikan sa palda, medyas at sapatos ko...

Love, Luck and Wonder [currently editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon