Tapos na ang aming flag ceremony. Honestly, nainip ako. Pero, siguro masasanay din ako. Napakadaming students dito. Hmm. Paakyat na kami, at dito pala kami sa building na to.
Second year.. Faith. Room namin to?! Ang ganda naman ng room namin!!! Sabagay, yung corridor nga e, ang ganda, ultimo yung hagdan. Walang wala ang pinanggalingan kong school. Ang aliwalas. Saka mukang ang sarap mag-aral.
"Mukang tama si daddy." Napabuntung-hininga nalang ako.
Kaya din pala talaga madaming students dito, wala kang masasabi sa facilities. Pero kahit ganun nakakamiss pa din mag-aral sa public. The best kaya dun!
Hala, kanya-kanya sigurong upuan. Linis ng arm chair. Pati lockers, bulletins, at black board.
2nd flr pala to ng Agatha Building. Ito yata yung bagong gawa lang. Talagang ang ganda. (Paulit-ulit?)
Ah ayun. May bakante pa sa may malapit sa bintana. Eh? Ayun may makakatabi akong babae. Dun nalang siguro ako.
"Excuse nga!" E-eh? Wala na kong nasabi nang biglang nakiraan yung isang babae. Seryoso? Makakaklase ko sila? Hay. Ganito ba talaga ang 1st section dito? Psh.
Wag ka na lang kumibo, Shin.
"Uhm, excuse me? Pwedeng makiupo?" tanong ko sa isa kong classmate na babae. Tumingin sya at tinignan din yung upuang bakante. Nakita ko na may nakalagay na bag.
Tinanggal nya yung bag. Mukang sa kanya ata yun.
"Sige, dito ka na lang." sabi nya sakin pagkakuha nya ng bag nya. Ngumiti nalang ako at nilagay ko din ang bag ko sa upuan at umupo. Hmm. Tanungin ko kaya pangalan nya?
Kasu, hindi ko alam kung pano. Ha? Natingin ako sa mga gamit nya na nasa armchair nya. Grabe. Kitang kita mo na mayaman sya. Ganun din yung nasa harap ko.
Pero tyak naman siguro na meron ding middle class dito na kagaya ko.
"Ah! Kendama!" naku napasigaw na naman ako! Nakita ko kasi na may kendama yung katabi kong girl. Yung nagpaupo sakin? Meron din kasi ako non! Favorite ko yun laruin nung bata pa ko!
"Ha? Meron ka din nito?" tumingin sya sakin at mas pinakita pa nya sakin yung kendama nya. "Edi ibig sabihin sanay ka gamitin to?"
"Mm-mm. Talagang pinagpapractice-an ko yan nung bata ako e." sagot ko naman sa kanya habang nakikinig lang sya sakin. "Nung bata kasi ako inuwian ako ni daddy nyan, tapos ako lang ang hindi sanay kaya inaral ko talaga."
"Bute ka pa sanay.." sagot nya na parang nalungkot sya. E mahirap din naman kasi talaga yon e. Kaya ba first day of school e may dala syang kendama?
"Ok lang yan. Napapagaralan naman yan e." sabi ko sa kanya at nginitian ko sya. Tinignan ko ang kendama nya at nakita ko na may nakasulat sa gilid. "B-Bea?"
"Ah. Bea. Pangalan ko yun. Sanay ka din pala magbasa ng katakana." sabi ni Bea. Nakasulat kasi sa japanese yung pangalan nya. At syempre! Sanay ako bumasa ng basic japanese!
"Nanggaling kasi parents ko sa japan dati. Kaya medyo naturuan nila ako." sagot ko kay Bea. "Uhm.. Ah! Ako nga pala si Shin."
At sa wakas! May kaibigan na ko for the first time in forever!! Madami na din kaming napagusapan. Personal infos ganito ganyan. Kahit na minsan may iba din syang kinakausap, may ilan din sa mga yon na nagpakilala sakin at tinatanong kung saang school ako galing.
Ayan na si Mam!
"Pati si Mam.. Mukang anghel ah.." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa pagpasok ng adviser namin.
BINABASA MO ANG
Love, Luck and Wonder [currently editing]
Storie d'amoreAng gusto ko lang naman bilang estudyante ay magkaroon ng simpleng high school life. Yung hindi sikat, yung hindi din naman binubully. Yung tahimik lang, yung simple at masaya. Pero minsan, kung ano pang hiniling mo, kabligtaran ang kinakalabasan. H...