Monday
Time: 8:35am"Let us now give a warm round of applause for our candidates of Ms. and Mr. Agathanian, here in our own General Assembly today!!"
*applause*
Miss and Mister Agathanian..
Tama. Hindi na ako nananaginip. Start na ang pageant!!! Ito na talaga yun. Ang pagsubok sa aking buhay!Dug tug..
Dug tug..
Dug tug..Naman oh, wag ka namang sumabay heart beat, wag ka ng kabahan dyan, please?! Okay ka na, diba? Mamaya ka na umeksena heart beat. Mamaya na!
Haaaay.
Bakit puro nega ang naiisip ko?! Hahanda ko na ang sarili ko mamaya sa kahihiyan ko. Sobra akong kinakabahan.
Nandito na kami lahat sa backstage, lahat ng contestants. Mapa lalaki, mapa babae. Kanya-kanyang ayos, kanya-kanyang arte and everything.
Rinig na rinig dito ang mga palakpakan at ang dumadagundong na sound effects background music chena mula sa stage.*lingon*
*lingon*
Maliit lang ang backstage. Kaya halos tabi tabi din kami dito. May mga nakatambak na ilang upuan at kung anu ano pang gamit ng school.
Since simplicity ang tema, hindi ito yung pageant na may mga magmemake-up pa sayo. Talagang nakauniform lang din kami. Since catholic din ito, mas gusto daw ni sister ng simpleng pageant.
Hmm..
Etong mga kalaban ko?! Bakit?! Paano?! Haaaaay. "Seryoso ba to.." bulong ko sa sarili ko. Ano ba yan.. Jusko, ni wala ako sa kalingkingan ng mga to. Mga hustler na yata to eh?
Nakahilera kami dito sa backstage at nakahanay ako sa mga babae. Nakaupo kami sa mga monoblock na magkakatabi. Pang #8 ako.
May nakakabit sa kanang bewang ko na bilog na may nakalagay na #8. Sinubukan kong ayusin dahil medyo paling ang pagkakaperdible.
"Ayan okay na.." Siguro nga, pinapagaan ko nalang ang loob ko at nililibang ang sarili ko.
Pag ako nanalo baka sabihin nila luto ah? Pepektusan ko magsasabi.
Bute di ako first year. Di ako pinakabata. Pero.. transferee naman ako. Ganun din. Hay. Hirap naman. Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi?!
*lingon*
Teka. Parang pamilyar sya sakin.. Hmm? Kalaban ko sya.. Kasali sya sa pageant. Teka..
AH!!!! Ah!!
Tama! Si... Jennica?! Kasali nga pala din sya.Ang ultimate crush ni Justin yabang.
"Haaaay.."
Lalo akong pinanghinaan ng loob! Huhuhu. Sya lang naman kasi ang gusto ng halos karamihan. Halos kaibigan nya lahat ng kasali. Sa una palang, tingin ko na na mananalo sya.
Ano ba Shin, wag ka ngang magmaktol dyan. Ugh. Nasan na ba si Jino?
*applause*
BINABASA MO ANG
Love, Luck and Wonder [currently editing]
RomansaAng gusto ko lang naman bilang estudyante ay magkaroon ng simpleng high school life. Yung hindi sikat, yung hindi din naman binubully. Yung tahimik lang, yung simple at masaya. Pero minsan, kung ano pang hiniling mo, kabligtaran ang kinakalabasan. H...