5

2 0 0
                                    


Alam kong ako'y pagod na
Na kahit pahinga hindi ko na magawa
Matutulog sa gabi na may bahid ng luha ang mga mata
Magigising sa umaga na ngiti ang makikita
Tila nasanay na sa paulit-ulit na senaryo
Hindi na malaman kung alin ba talaga ang totoo
Sinusubukan ko namang umalis dito
Subalit hindi ko pa rin kayang patawarin ang sarili ko
Natatakot akong isang araw lamunin ako nito
At tuluyan kong makalimutan kung sino nga ba talaga ako
Pero sana sa pagtulog ko ngayon
Magkaroon na din ako ng rason para umahon
Matutunan ko na sanang tanggapin ang lahat
Upang sa panibagong araw maisip kong ako'y sapat

Talaan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon