14

0 0 0
                                    

Tila napuwing na naman ang aking mata
Puso'y sumasakit na lang bigla
Pati ang pagluha ay hindi na naman kayang pigilan
Kasabay ng panaka-nakang paghikbi sa gabi ng katahimikan
Ang ulan ay para rin akong dinadamayan
Sapagkat ito'y babagsak sa tuwing ako'y nasasaktan
Ang hirap namang maging masaya sa kasalukuyan
Ang hirap namang pigilan ang masasakit na salita sa aking isipan
Kaya sa batang ako
Diyan ka na lang, Huwag na dito
Paulit-ulit ka lamang masasaktan
Ang masakit pa, wala ka namang makakapitan

Talaan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon