Nais kong magpahinga
Kahit saglit lang sana
Yung masayang kakain sa umaga
At panandaliang kakalimutan ang problemaNais ko lang huminga
Dahil ako'y pagod na
Pilit ko mang iniinda
Subalit sistema'y hindi na nakikisamaKaya sa kahit maikling panahon
Sisikapin kong huminto at huminahon
Pakakalmahin muna ang sarili
Upang sa susunod na hakbang ay hindi na magkamali
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PoetryNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin