Huwag mo sanang hayaan ang sarili mong muling malunod
Makayanan mo sana ulit lumaban at bumangon
Muli sanang magliyab ang apoy sa puso mong pinatay ng panahon
Magliwanag sana muli ang madilim mong mundo
At mahanap mo sana ang pangarap na para sayo
Ito ang munti kong dalangin para sa kasalukuyang ako, na hanggang sa ngayon naliligaw pa rin sa kung ano ba talaga ang aking gusto.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PoetryNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin