15

1 0 0
                                        

Sa totoo lang, takot naman talaga akong maiwang mag-isa
Pero tila nasanay na lang maiwan nila
Hindi naman ako matapang gaya ng sinasabi ng iba
Sadyang kailangan ko lang talaga
Akala nila ako'y palaging masaya
Subalit nakatago sa aking maskara ang malungkot kong persona
Hindi buo ang aking pagkatao
Ako'y parang isang babasaging basong winasak ng pinong-pino
Hindi ko pa rin nahahanap ang katauhang gusto ko
Isip ko'y magulo pa rin at hindi konkreto
Kaya sana'y ako'y inyong maunawaan
Lalo na sa panahong sarili ko'y hindi maintindihan

Talaan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon