Steffy's POV
"Steffy! Steffy! Gising na!"
Nagising naman ako dahil sa may tumatawag sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita si mama..... Si Mama?! O_o
"Maaaa!!" - Steffy
Niyakap ko si Mama! Waahh! Namiss ko siya!
"K-Kailan pa po kayo bumalik?!" - Steffy
Ngumiti naman si Mama bago ako sagutin.
"Kahapon mga madaling araw. Tulog na kayo ng dumating ako." - Mom
"Ganun po ba. Eh alam na ba ito ni Sollen?" - ako
"Oo kanina pa. Naghahanda na siya para sa school. Kaya ikaw maghanda ka na rin baka malate ka at may bisita tayo." - ako
Napakunot naman ang noo ko.
"Bisita? Sino po?" - ako
"Malalaman mo rin kong bababa kana." - Mom
"Okay. Maliligo na ako." - ako
"Sige pagkatapos mo baba kana agad para kumain at makilala ang bisita natin." - Mom
Tumango lang ako at lumabas na si Mama sa kwarto at ginawa ko na ang kailangan kung gagawin.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Pagkatapos ko sa mga morning rituals ko ay lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina ng nakita ko na ang bisita namin.
"Tiiiiitttooo????!!" - ako
"Oyy Steffy! Andyan ka na pala." - Tito
Niyakap ako ni Tito. Niyakap ko naman siya. Bakit kaya nandito si Tito? Si Tito Nicko ay kaibigan ni Papa at nagtataka ako kung bakit nandito siya sa Pinas. Eh sa pagkakaalam ko kasama niya si Papa sa Korea. Dun kasi sila nagtatrabaho. Kumalas na kami sa pagyayakapan.
" Si ate ang oa! Kung makasigaw grabe!" - Sollen
"Eh ikaw naman! Kung makasigaw kahapon parang may sunog!" - ako
Tapos inirapan ko siya. Kung makasabi sa akin ng oa parang hindi rin siya! Tsk!
"Oh! Mag-aaway na naman kayo! Hahaha!" - Tito
"Halina kayo! Kakain na tayo, para narin makaalis na kayong dalawa." - Mom
Pumunta na kami sa kusina at kumain na kami ng mag-salita si Tito.
"Ahh...Steffy." - Tito
"Bakit po Tito?" - ako
"May sasabihin ako sa iyo." - Tito
Napatingin naman ako kay mama pero tumango lang siya. Alam na siguro ni mama ang sasabihin ni Tito. Ano kaya iyon? Waahh!! Naeexite ako! Pero hindi ko parin maiwasang kabahan.
"Ano po iyon Tito?" - ako
"Nandito ako para sabihin sayo na pinapasabi ng papa mo na pagkagraduate mo ng kolehiyo ay pupunta kana ng Korea." - Tito
0__0
"A-Ano? P-Paki ulit nga tito. Ano ang sinabi mo?" - ako
"Anak, pupunta kana ng korea pagkagraduate mo ng college." - Mom
50%
60%
70%
80%
90%
100% Processing...
"Waaaaaaaahhhhh!!! Koreeeeaa??? Pupunta ako ng Korea?? Yehhhheeeyyy!" - ako
BINABASA MO ANG
Long Lasting Love
RomanceMatagal ng gusto ni Steffy si Shone. Makakapagtapat kaya siya kay Shone? O baka huli na siya para magtapat? May pag-asa kayang maging sila sa huli? Paano mo malalaman kung hindi mo ito babasahin xD?