Chapter 5: A Makeover For Steffy Part 1

35 2 3
                                    

Chapter 5: A Makeover For Steffy Part 1

A/N: Si Shone po yan dyan sa taas... Happy Reading Guys!

Steffy's POV

Hayy..isang linggo na ang nakalipas nung nahimatay ako sa gitna ng corridor at si Shone ang nag-dala sa akin sa clinic.

Hindi nga ako makapaniwala ehh, pero hindi ko rin maiwasang kiligin hehehe >\\\<

"Ate alis muna ako hah!" sabi ng kapatid ko na si Sollen.

"Pakialam ko na aalis ka! Pshh..okay nga lang sa akin na hindi ka babalik dito egh!" Wahahaha!! Bitter ko na ate! Masanay na kayo basta ganyan ang turing ko sa kapatid ko egh kasi naman hilig ko lang siyang sungitan pero SWEET rin ako sa kanya no, MINSAN.

"Hmph! Mawawala lang si Mama ng 1 linggo, sinusingitan mo na ako!" reklamo naman niya.

"Aalis kana diba so shoo~~"

Inirapan niya lang ako tapos lumabas na siya. Tama yung nabasa niyo, umalis si Mama at wala siya dito sa bahay for 1 week, meron lang siyang inasikaso sa farm namin dun sa Batangas....oo farm, may farm house rin kami dun pero maliit lang.

"Pssssttt!"

Huh? Sino yon? Tumayo ako at lumingon-lingon, wla namang tao.

"Pssssttttt!! Stteeffyy!"

"Sino yan??" Wahh!! Haunted pala tong bahay namin?! Huhuhu! Sana hindi!

Dahan-dahang akong pumunta sa pinto at....

"BOOOH!"

0___0

"AHHHH!"

*PAAAKK*

Dahil sobra akong nagulat may nasampal ako na kung sino, nakapikit kasi ako kaya hindi ko siya makita.Waahh baka multo!

0__^

0__0

"A-Alliah?"

"Huhuhu!! Ang sakit!" Nakita ko na teary eyed na si Alliah tapos nakita ko rin na namumula ang left side ng mukha niya.

"Teka anong nangyari sayo? Bat namumula yan? Tyaka may nakita ba kayong multo? O white lady? Or someone?"

"Sige itanong mo pa sa akin. Sige itanong mo kung ano ang nangyari sa mukha ko! Arghh! Steffy! Bat kaba naniniwala sa mga multo Steffy or what so ever na mga multo multo thingy?!" reklamo sa akin ni Alliah. Grabe namumula talaga yung mukha niya, at sina Lyka at Chloe naman nakatanga lang na nakatingin sa aming dalawa ni Alliah-na gulat rin ang mga reaksyon. At tyaka ang gulo kausap ni Alliah.

"Huh?"

"Anong huh?! Steffy ako lang naman ang nasampal mo! Grabe girl ang sakit mo manampal, dapat hindi na kita gugulatin sa susunod baka masampal mo nanaman ako. Ang sakit kaya no!" sabi ni Alliah habang naka pout. Grabe siya pala yung nasampal ko?

"Wahh!! Sorry Alliah! Nagulat lang talaga ako kaya nasampal kita bigla." Im really really sorry!" pagpapaumanhin ko kay Alliah.

"Okay lang..."

Phew! Buti at nawala na ang pamumula ng mukha niya.

"Bakit nga kayo nandito?" tanong ko,pero kesa sasagutin nila ako bigla nalang nila akong kinaladkad papasok sa loob. Teka anong problema ng mga to, kung makakaladkad papasok sa bahay para sa kanila eh no. Pshh.

"Ano ba na naman tong kalokohan na ito?"

Problema nila? Nginisihan lang nila ako at hinila papasok sa likod ng bahay namin, na mismo papuntang garden namin namay maliit na mesa na kasya lang ang apat at may apat na upuan.

"Upo." utos sa akin ni Lyka.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Basta upo." utos niya ulit sa akin. Kahit naguguluhan ako umupo nalang ako. Ngumiti naman sila na parang exited na exited. Mas naguluhan naman ako ng may ilagay sila mesa.

"Ano yan?" tanong ko

"Steffy...."

"Oh? Ano nga? Wag niyo nga akong bitinin."

Ngumiti muna sila bago nila ako sinagot. "Magkakaroon ka ng make over!!" sabay sabay nilang sabi. Nagulat naman ako.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo! At yan ang mga binili namin." tinuro naman ni Chloe ang isang cellophane at tiningnan ko ang laman.

"Mga sabon?" takang tanong ko sa kanila.

"Oo sabon nga." sabi naman sa akin ni Alliah. Tsk! Alam ko naman na sabon yung nakita ko eh.

"Marami pa akong sabon."

"Kaya simula ngayon gamitin mo na yan. Tyaka wag kang choosy te kasi nag-iipon kaming tatlo para makabili ng ganyang sabon kasi effective yan at puputi ka." sabi naman ni Chloe

"Oo nga, tingnan mo nga yang balat mo, grabe ang itim muna, at ang dry pa kaya binilhan ka na rin namin ng dalawang lotion. O ayan." tapos binigay agad sa akin ni Alliah ang dalawang lotion.

Tiningnan ko ang sabon at lotion na binigay nila.

"Sure ba kayo na effective yan?" paninigurado ko sa kanila.

"Oo nga, maniwala ka pero may sinabi yung nagtitinda sa akin." sabi sakin ni Lyka.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya

"Sinabi niya na sa first na gamit mo sa sabon may side effect daw, magiging-hmmm!" kumunot ang noo ko ng biglang tinakpan ni Chloe ang bibig ni Lyka.

"Magiging ano?"

"Hah....ahh...ano...m-maligo ka muna...ahh o-oo maligo ka muna at gamitin mo narin yang sabon at lotion na binili namin. S-sige na kasi alam ko hindi kapa naliligo." sabi naman ni Alliah at napansin ko hindi siya mapakali at bago pako makapagsalita tinulak na nila akong tatlo sa loob para makapagligo na ako. Kaya no choice narin ako at sumunod sa sinabi nila at kinuha ang lotion at ang cellophane na may lamang mga sabon.

Chloe's POV

Nang nakapasok na si Steffy sa kwarto niya, bigla ko nalang binatukan si Lyka.

"Aray! Ang sakit hah!" reklamo sa akin ni Lyka.

"Pano naman! Eh sa hindi ka nag-iisip! Kapag nalaman ni Steffy na ang side effect non ay magiging kulay orange yung balat niya hindi na niya gagamitin iyon." panenermon ko kay Lyka.

Aissshh!! Sabi ko na nga sa kanya na hindi na niya dapat sabihin iyon sa kanya. Pero, arghh!! Hindi talaga siya nakinig.

"Pero buti naman at nakalusot pa tayo kundi hindi niya talaga iyon gagamitin." sabi naman ni Alliah.

"Oo nga buti at nakahanap ako ng lusot para hindi mag-hinala yon si Steffy." sabi ko sa kanilang dalawa.

"AGHHH!!"

0___0

"Patay!" sabay na sabi naming tatlo.

A/N: Hehehe bitin ulit? Hahaha!! Sorry sa late update guys kasi hindi ako masyadong active sa wattpad eh. But guys I hope you understand :). Sana nagustuhan niyo ang update nato.

#HashtagAMakeoverForSteffyPart1

Long Lasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon