Chapter 13: Prince Charming and Snow White

33 1 1
                                    


"Steffy anak, andyan na mga kaibigan mo sa labas hinihintay ka na! Bilisan mo na diyan!" 

Narinig kong sigaw ni Mama sa baba. 

"Oo nga po! Sandali lang!" 

Tiningnan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Ang laki ng pinagbago ng balat ko. Pumuti nga ako. Mukhang unti unti na ngang nagbabago ang itsura ko dahil sa mga ginagamit kong pangpapaganda. 

"Hoy Steffy lumabas ka na diyan! Baka ikaw pa ang dahilan na malalate tayo sa practice!" 

Sumilip ako sa bintana at naiinip na sila sa kakahintay sakin. 

"Oo na!" 

Bumaba na ako at nagpaalam na ako kay Mama. Si Sollen nauna na raw umalis. Ang aga naman ata ng kapatid ko? Bahala siya! 

"Ang tagal mo naman. Halika na!" - Chloe

"Sorry naman! Tsaka wag nga kayong OA! May 20 minutes pa tayo" 

Nagsimula na kaming maglakad papuntang school. Di naman masyadong kalayuan. 

"Oo nga pala. Diba ngayon sasabihin kung sino ang gaganap sa mga character? Kyyaah! Excited nako!" - Lyka

"Oo nga no. Sino kaya si Prince Charming tsaka si Snow White?" - Alliah 

"Haha! Tingnan na lang natin mamaya." 

Sabi ko, di ko rin maiwasang mapaisip. Sino kaya ang pipiliin ni Maam Florika? Di ko rin maiwasan maisip si Shone. May chance na siya ang maging Prince Charming. Di ko rin maiwasan matuwa kapag naiisip ko na magkaclub kaming dalawa. Baka destined talaga kami? Haha! Ang assumera ko naman. Pfft! 

"Good morning girls! Ang aga niyo ah!" 

"Good morning rin Maam Florika!" 

Di ko napansin na nandito na pala kami. Masyadong pre-occupied ang utak ko kakaisip kay Shone. 

"Sige maghintay muna kayo ng ilang minuto. Wala pa naman yung iba." 

Tumango lang kami kay Maam tsaka umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Napatingin ako sa paligid. May malapad na salamin sa harap para makita namin ang aming mga repleksyon kapag nageensayo kami. Malawak naman ang room kaya di naman kami nagsisiksikan. Tsaka tama lang kami para sa room nato. Pero di rin ata kami dito palaging magprapractice. Baka dun rin kami sa auditoriom. Di rin nagtagal nagsidatingan na rin yung iba. Pero wala pa si Shone. Di kaya late yon? Naputol pag-iisip ko nang kinalbit ako ni Chloe. 

"Oh bakit?" 

"Hinahanap mo siya no?" Ngumiti siya sa akin ng mapangasar. 

"H-Hindi ah! Tsaka maaga pa naman." Umiwas agad ako ng tingin. Masyado bang obvious? :3 

"Haha! Deny pa!" Kantsaw naman sakin ni Lyka at Alliah. Aiishh! Dinedma ko nalang sila. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at dun niluwa si Shone na may kasamang babae. Di ko kilala yung babae. Ba't parang may naramdaman akong kumirot sa puso ko?  Sa pagkakaalam ko wala pang girlfriend si Shone kaya imposible na sila ng babae na kasama niya. Ano ba naman tong iniisip ko?! Tumingin ako sa kanilang dalawa, nagtatawanan silang dalawa at di mo maipagkakaila na close sila sa isa't isa. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila. Napatingin naman ako kay Alliah ng bigla niya kong tinapik sa balikat. 

"Anong problema mo?" 

"Haha! Halata masyadong nagseselos ka Steff! Wala ka dapat ipagselos wala namang namamagitan sa kanilang dalawa eh." 

"Tsk" Mahina kong sabi tas yumuko. Ganito pala ang feeling na nagseselos ka? Ngayon ko pa lang ito naramdaman. Kasi naman ngayon ko lang nakita si Shone na may kasamang babae na close niya masyado. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Lasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon