Chapter 10: Bonding With Him?! (Part 1)

25 4 0
                                    

Shone's POV

Lunch time na kaya nasa cafeteria na ako. Naghahanap ako ng mauupuan kasi hindi ako sumabay sa kabarkada ko mag-lunch kasi sa labas sila ng University kakain. Tinatamad na kasi akong sumama sa kanila hahaha xD.

Saan ba ako uupo? Kanina pa ako naghahanap ng mauupuan. Marami namang inaaya akong umupo sa kanila pero tinatanggihan ko kasi baka madumog ako ng mga babae. Halos pa naman nag-aaya sa akin ay ang mga babae na fans ko. Gwapo ko kasi hahaha!!

Lumingon lingon ako at---ayooon!! Sa kanila nalang kaya ako sasabay? Hmm..Sige! Magandang ideya iyon! Hindi naman kasi sila die hard fans katulad ng ibang babae diyan. Pero hindi rin naman iyon ang dahilan, mababait rin naman sila.

Kaya lumapit ako sa kanilang table at tinanong ko kung pwede ba ako makisabay sa kanila. Mukhang nagulat ko nga pa ata sila base sa itsura nila na parang nakakita ng sobrang gwapong nilalang katulad ko. Eheemm!! Hahaha!! Peace guys!

"Ahhh...hehehe!! Nagulat ko ba kayo" sabi ko sa kanila habang kinakamot ang batok ko.

"A-Ano S-Shone sasabay ka sa amin?" - Steffy

Nagulat naman ako nung binatukan siyan ni Alliah? Alliah ba ang pangalan nito? Parang? Haha!

"Kakasabi nga lang na sasabay siya sa atin eh! Hehehe sige Shone umupo ka. Hehehe!"

Umupo na ako at nilagay sa lamesa ang pagkain na nabili ko.

"Sorry na okay! Err...hindi lang ako makapaniwala na sasabay siya dito sa atin." Sabi ni Steffy na naka pout.

"Oo nga Shone bat ka dito kumakain? Hindi ka ba sasabay sa mga kaibigan mo?" - Chloe

Sinabi ko sa kanila kung bakit ako hindi sumabay sa mga kaibigan ko kumain.

"Ahhh...ganun pala." Tatango-tango na sabi ni Lyka sa akin.

Tumango lang ako sa kanila at nagsimula ng kumain. Tumingin ako kay Steffy at napansin ko rin na nakatingin siya sa akin kaya umiwas siya ng tingin at nag....pout?? Why do I find it cute? Hahaha!! Ang cute niya talaga! Maganda naman talaga si Steffy kapag aayusan siya ng konti at kahit hindi na siya mag-ayos maganda pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng iba na panget siya, hindi naman totoo iyon. Wala lang talagang magawa ang mga tao ngayon kundi mamintas ng ibang tao. Napailing nalang ako sa naiisip ko.

"Masakit ba ang ulo mo Shone?" - Alliah

"H-Huh? Hindi. May naisip lang ako hehe." - ako

Tapos tumingin ako kay Steffy. Ang tahimik niyang kumain, nakakapanibago lang. Ngayon ko lang rin napansin na hindi niya sout ang salamin niya. Napangiti ako. Bagay sa kanya kapag hindi siya nakasout nang salamin. Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Grabee!! Nakakahiya! Sana hindi niya ako nahuli na nakatitig na sa kanya.

"Ano mauna na kami Steffy at Shone may gagawin pa kasi kami e." - Chloe

Napa-huh naman kaming dalawa ni Steffy.

"T-Teka bakit naman?" - Steffy

"May pupuntahan kami at may gagawin kami hehehe." - Lyka

"Bat hindi ko alam na may gagawin pala kayo tapos may pupuntahan pa talaga kayo. Sasama na lang a---" - Steffy

"H-Hindi na! Dito ka na lang kasama ni Shone. Tutal hindi ka pa rin naman tapos kumain eh." - Alliah

"Tsk! Sige na nga! Pero saan pala kayo pupunta hah?!" -Steffy

"H-Huh? Ano....Ayy! T-Teka may tumatawag! H-Hello? Hello? Naku! Hindi kita marinig kasi ang hina nang signal. Teka maghahanap ako ng signal!" sabi ni Alliah na kumaripas na ng takbo. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa inasta niya. Hahaha! Parang hindi ko nakita. Kung alam ko lang palusot niya lang iyon. Wala naman talagang tumawag sa kanya. Napailing naman ako.

"T-Teka Alliah hintay!" sabi ng dalawang kaibigan ni Steffy na tumakbo na rin paalis ng canteen.

"Mga baliw talaga! Hindi sinagot ang tanong ko. Tapos iniwan pa ako." - Steffy

"Bakit Steffy hindi mo ba ako gustong makasama?" - ako

Nagulat naman si Steffy sa tinanong ko sa kanya.

"H-Huh?! Hindi naman sa ganon. Hindi kasi ako sanay na lumalapit ka sa amin, sa akin! Dahil ikaw ang pinakasikat dito sa school tapos ikaw ang kinababaliwan ng lahat ng babae." - Steffy

"E ano ngayon? Masama na bang makipagkaibigan sa iyo at sa mga kaibigan mo?" - ako

Umiwas naman siya ng tingin sa akin. Parang hindi siya mapakali. Tumingin ako sa paligid at dun ko napansin na lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin ni Steffy at ang sama ng tingin ng mga babae kay Steffy. Pano ba yan, aalis na kami baka mamatay pa kami sa mga tingin nila. Hahaha

A/N: May part 2 po ito kasi tinatamad po akong habaan ang chapter na ito e. Hintayin niyo lang po ang update ko. Sana may nagbabasa pa nito *pout* Hahaha! Just Read, Vote, Comment and Support!

#LLLBondingWithHimP1

Long Lasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon