"How did you know about this place? Ang ganda rito!" I exclaimed when I saw the beautiful view in front of our table.
The landscape view of mountains, rice fields, communities and sky are just breathtaking.
"A friend recommended this place," he answered.
"Can you take a picture of me? Matagal na akong walang post sa Facebook." I handed him my phone but he opened his phone's camera instead.
I scoffed. "Oo na! Latest model na 'yang phone mo. Ang yabang."
Tumawa siya't pinagtaasan ako ng kilay. "Wala ka lang pambili."
"Excuse me?!"
"Daan ka na." pilosopo niyang saad.
Napairap nalang ako sa asal niya. I stood up to pose with the beautiful view behind me. Effort kung effort ako sa pag-pose habang siya ay walang kabuhay-buhay at tila iisang anggulo lang ang pagkuha ng litrato sa akin.
"Patingin nga!" I marched back to my seat to check the photos.
Napasimangot ako ng makitang halos wala siyang matinong nakuhang litrato, kung hindi blurred ay hindi naman ako maayos na nakatingin sa picture.
"Ano ba 'yan! Ang pangit mo kumuha ng pictures. Pahiram na nga lang ng phone mo!"
"Wow huh. Pinapaalala ko lang sa'yo na hindi ako professional photographer. Hindi ko na kasalanan kung pangit ka diyan, kahit anong anggulo mukha mo talaga problema." aniya't inabot sa akin ang cellphone niya.
"Anong sabi mo?!" akma kong ibabato sa kaniya ang flowevase sa table namin nang biglang dumating ang mga inorder naming pagkain.
He laughed when he saw my reaction. Habang inilalagay ng server ang mga pagkain ay isa-isa ko namang pinicturan iyon. I also took selfies on his phone, nai-inggit tuloy ako dahil maraming filters ang camera ng phone niya.
Napatingin ako sa kaniya ng mapansing hindi pa siya kumakain gayong tapos na ihain lahat ng order namin.
"Kumain ka na." utos ko sa kaniya.
"I'll wait for you."
BINABASA MO ANG
The Covetous Heart¹
Romance"Until I realized this was a direction that would lead me to a new path of life. From that moments, I knew, that this life will gonna be a life of unending love and pain, selfishness and sacrifices, and strength and weaknesses."