"Ma'am, may naghahanap po sainyo. Gusto raw ho kayo makausap."
Napa-angat ako ng tingin ng makita sa pintuan ang isang matandang lalaki. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga kontrata ng biglang pumasok si Lauren. The man looks familiar, very familiar.
"Kuya Noel?!" nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko siya. "Lauren papasukin mo siya. Bigyan mo rin kami ng pagkain."
Akmang huhubarin niya ang kanyang suot na tsinelas nang pigilan ko siya. "Malamig ho kapag hindi niyo 'yan sinuot kuya. Pumasok na ho kayo." tumayo ako upang lapitan siya.
Sino ba namang makakalimot sa kaniya! Siya lang naman ang asawa ng nag-alaga kay Lorenzo mula noong bata pa siya.
"Ano hong mayroon at nag punta kayo dito? Kumain na ho ba kayo? Nagpakuha na po ako ng pagkain. Maupo po muna kayo." turo ko sa couch sa harap ko.
"Masaya ako na makita ka ulit, Catherine. Wala ka pa ring pinagbago. Mabait ka pa ring bata." nakangiting saad niya.
"Kayo naman, kuya! Bobolahin pa talaga ako." I laughed. "Ilang taon na rin po simula nung huli tayong nagkita. Kumusta na po kayo? Si Ate Lita po?"
"Ayos naman kami, hija. Kahit papaano'y nairaraos namin ang araw-araw sa tulong na rin ng lupang binigay ng papa mo." aniya.
"Nako, kulang pa ho iyon sa laki ng naitulong niyo kay Lorenzo. Siya nga ho pala, nabisita niyo ho na siya? Siguradong matutuwa iyon kapag nakita kayo."
Ngumiti siya't umiling. "Gustong-gusto ko na rin siya makita. Lalo na ang mama lita niya, kaya lang ay kailangan ko rin umuwi mamaya dahil kasama ko anak ko para mag-enroll sa kolehiyo. Dumaan lang talaga ako dito dahil may gusto akong iabot sa'yo."
My brows furrowed when he handed me a dirty brown portfolio. "Ano po ito?"
Luminga-linga siya sa paligid bago nagsalita. "Gustuhin ko mang personal na iabot iyan kay Lorenzo ay nakasalalay naman ang buhay ko. Sabihin mo sa kanya na humihingi ako ng tawad dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong maibigay sa kaniya iyan. Hija, ingatan mo iyan at ibigay mo kay Lorenzo. Laman niyan ang mga ebidensiyang makapagdi-diin sa kaniyang ama. Ilang buwan kong pinaghirapang ipunin lahat ng iyan kaya sana'y maiabot mo ito sa kaniya."
Nilukob ako ng kaba ng marinig kung para saan ang portfolio na ito. I held it tightly. Ito na ang tatapos sa mga problema namin ni Lorenzo ngayon.
"Kuya Noel, maraming salamat po. Pero saan niyo po nakuha ang mga ito? Sigurado po ba kayong hindi kayo malalagay sa panganib?"

BINABASA MO ANG
The Covetous Heart¹
Romance"Until I realized this was a direction that would lead me to a new path of life. From that moments, I knew, that this life will gonna be a life of unending love and pain, selfishness and sacrifices, and strength and weaknesses."