17

7 0 0
                                    

"I enjoyed this vacation so much!" bulalas ko habang kinukuhaan ng litrato ang tanawin sa harap namin.




Maaga kaming gumising upang maikot namin ang mga tourist destination dito sa Coron, Palawan. Una naming pinuntahan ang Kayangan Lake na talaga namang makapigil hininga sa ganda. Sunod naming pinuntahan ang Barracuda Lake at Twin Lagoon kung saan kami kumuha ng mga litrato habang sakay ng crystal kayak.




Hindi ko rin ine-expect na sobrang nakakapagod pala ng experience, but it was all worth it.




"Cath, sige na. I already paid for it, please?"




"Ikaw pala nagbayad edi ikaw na rin sumakay! Never! No! Ayoko. Kung hindi pa malinaw sa'yo, ayoko, ayoko! Ayoko!" mariin kong tanggi sa plano niyang mag-island hopping at zipline.




I mean I'm totally fine with riding a zipline, pero dadaan sa gitna ng dagat?! Hell no! Paano kapag naputol sa kalagitnaan?! Tapos may pating! I'll be stuck in the middle of the ocean!




Isa pa ang gusto niyang island hopping! Walang pinagkaiba! Papaliparin lang kami sa era sa gitna ng dagat. Like! Paano kapag may tumalon na pating at kinain kami?!




"Eh bakit nga?" he frustratingly asked. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga turista dito dahil kanina pa kami nagtatalo.




"It's so scary kaya! Look at them!" tinuro ko ang mga bagong sakay ng zipline. "Paano kapag naputol 'yan? Gosh!"




"Cath, it's safe. Isa pa, kasama mo naman ako?"




I arched my brow at him. "Ano naman kung kasama ka?! Walang kinalaman 'yon kapag namatay tayo sa gitna ng dagat!"




"I swear, Cath. You'll enjoy it. Sayang naman. Nandito na rin tayo, i-try na natin. Please?"




"Pwede naman tayong mag-enjoy sa ibang paraan diba? Huwag lang 'yan." I pouted.




He heaved a sighed as he nodded, accepting his defeat. Ewan ko! But when I saw him looking at those people riding the zipline! I felt bad for him. Bakit ba kasi gustong-gusto niyang sumakay sa ganiyan?!

The Covetous Heart¹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon