Chapter 17

1.5K 43 12
                                    

Chapter 17

Hingal na hingal si Raven ng makarating siya sa gate ng bahay nila. Di na ata jogging ang nagawa niya kundi para siyang sumali ng Marathon. Hindi niya maalis sa isipan kung bakit siya tumakbo ng ganun.

Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niya muli ito. Bakit naman kasi ay di niya namalayang nakapasok siya sa kabilang Subdivision? Para tuloy siyang tanga sa ginawa niya. Lalo na at nagtagpo ang mga mata nila. Kaya ang unang pumasok sa isip niya ay kumaripas ng takbo ng tangkaing habulin siya nito.

Nakilala kaya niya ako? Tanong niya sa sarili. Guni-guni mo lang iyon Raven. Di siya ang nakita mo. Nag-iilusyon ka lang. Kumbinsido niya sa sarili. Ayaw niyang isipin na sa nakalipas na sampung taon ay muli silang pagtatagpuin. Ibabalik ang katangahang ginawa niya noon. Ang kasalam niya sa binata. Ipinilig niya ang ulo to lost that thought. May kasalan rin ito sa kaniya.

Pumasok na siya ng gate. At nadatnan niya ang ina na masayang nag-didilig ng halaman. Masaya ito at kumakanta pa habang ginagawa iyon.

Naalala niya ang sinabi ni Joanne kanina. Gusto niyang komprontahin ang ina sa ginawa nitong kwento. "Ma.." tawag niya.

Lumingon ito sa direksiyon niya. "Raven.. halika na sa loob at kumain."

"Mamamaya na po. Ma, may ikinuwento po ba kayo?" Tanong niya sa ina.

"Sabi ko sa'yo wag mo na lang pansinin ang mga sasabihin ng mga tsismosa." Ibinalik nito ang tingin sa mga halamang dinidiligan.

"Pero Ma.. ano na naman itong naririnig ko na may-boyfriend na ako. And what worst sainyo pa po nanggaling." Nanlulumo siya naupo sa may swing nila.

Tumigil ang ina niya sa pagdididlig at humarap sa kaniya. "Ano naman? Hayaan mo sila. Paniwalaan nila iyon."

"Di nga po totoo iyon!" Maktol niya. "Bakit niyo po kasi sinabi iyon?" Nakasimangot siya sa ina.

"Aba! Ayoko atang inaapakan at minamaliit ang the best kong anak. Ipinagtanggol lang naman kita kay Mrs. Guzman dahil sinabi niyang successful ka nga pero wala ka namang lovelife. Buti pa daw ang anak niyang makati."

"Di mo na lang sana po pinatulan. Alam mo naman 'yang si Mrs. Guzman. Nakalimutan niyo po ata na na ka-trabaho ko ang anak niya. Paniguradong topic ako niyan sa Lunes. Alam niyo naman pong mainit ang dugo nun sa akin." Sabi niya.

"Wag mo na lang pansinin. Aba! Paniwalang-paniwala ba naman sa kwento ko. Mayaman, Gwapo at Mabait san ka pa!" Tila nag-iimahinasyong sabi ng ina.

"Binibigyan niyo naman po ako ng kahihiyan niyan e, dapat hinayaan niyo na lang sila. Wala na silang puntirya kundi ang lovelife ko. Di ba sila nagsasawa?" Inis na pakli niya.

"Ikaw naman, Anak! Sino ba namang ina ang gustong ipahiya ang anak. Ang ayoko lang ay masyado kang ibinababa. The best ka nga diba? At nararapat lang na ang makatuluyan ay isang taong karapat-dapat." Napailing siya sa sinabi ng ina. Hindi niya alam kung saan na papunta ang usapan. Masyado ng masakit ang ulo niya.

Tumayo na siya. "Pasok na ako, Ma. Mamaya na lang po ako kakain. Sumakit po ang ulo ko. Itutulog ko muna ito." Nag-umpisa na siyang maglakad ngunit huminto ng may maalala. Lumingon siya sa ina. "Pakibawi po yung sinabi mo."

"Ayoko. Mas lalo kang mapapahiya." Parang batang sabi nito.

"Pero alam niyo po na ayaw ko sa taong sinungaling." Sabi niya at mabilis itong tinalikuran.









Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon