Chapter 13

1.4K 58 10
                                    

Chapter 13

Di pa rin siya tinigilan ni Axel. He alewadt getting on her nerves. Naiinis na si Raven sa kaniya at lalo pa itong nadagdagan ng lumipat ito sa tabi niya na pinayagan naman ng kanilang class adviser. Ang rason kasi ni Axel? Para daw may matanungan siya. Ar sinabi pang siya ang gusto nitong maging tutor. Natuwa pa nga ang class adviser nila dahil pakiramdam nito ay tumitino na si Axel.

Malapit na kasing matapos ang second grading. At halos puro palakol ang grade ni Axel at ang iba pa ay pasang-awa. Kailangan niya kasing makahabol para di na siya bumagsak.

"Raven, paano 'to?" Tanong siya kaniya ni Axel. Binalingan naman niya ang tinutukoy nito. Isang Math Problem.

Kinuha niya ang papel at sinimulang sagutan. Pagkatapos sagutan ay binalik niya ito kay Axel. At binalingan ang kaninang ginagawa.

"Eh, sinagutan mo lang e! Paano ko maiintindihan ito kung di mo ituturo!" Reklamo nito.

Tiningnan niya ito ng masama. Mabuti na lang talaga at wala pang tao sa classroom nila dahil masyado pang maaga. "Pasalamat ka nga at sinagutan ko pa. Matuto ka kasing makinig sa teacher at nang maintindihan mo! Hindi yung puro ka reklamo dyan!" Mahaba niyang litanya.

"Eh kaya nga nagpapaturo sa'yo kasi di ko maintindihan ang tinuturo ng matandang hukluban na iyon! Binabasa lang ang libro!" Sabi ni Axel. Pinandilatan niya ito ng mata.

"Bibig mo Axel! Baka may makarinig sa'yo! Akin na nga yan!" Sabi niya rito sabay hablot sa papel na kaninang sinagutan niya.

Napangiti naman si Axel.

******

Nakikita ni Raven ang improvement ni Axel. Nakakasagot na ito sa recitation nila na di puro kalokohan ang alam. Dati kasi ay sasabihin nitong di nito alam at di naman niya magagamit iyon kapag nakapagtapos na siya. Ang iba na nga lang nilang teachers ay pinagpapasensyahan na lang siya.

Tahimik na rin ito kapag oras ng klase. Maaga rin itong pumapasok upang magpaturo sa kaniya at late na ring umuuwi para antayin siya. Masasabi ni Raven na nagiging malapit na rin siya sa binata. Ngunit ayaw niyang bigyan ng kahulugan o haluan ng kakaiba. Mabuti na lang talaga at di sila binibigyan ng kung ano ng mga classmate nila. Di naman kasi sila palaging magkasama nito o nagpapansinan kapag maraming tao. They act civil.

Pero ang hindi pa rin mawawal kay Axel ay ang pagiging mapaglaro sa babae. Marami pa rin ang nagbe-break dahil dito. Marami pa rin ang umiiyak at nag-aaway dahil dito. King bakit kasi binansagan itong Heartrob ng school nila. Lalaking biniyayaan ng magandang mukha pero di nabiyayaan ng laman sa utak.

Napailing si Raven ng minsang may lumapit sa kaniya dahil sinapak ito ng dahil kay Axel.

"Mag-aral na lang kayo kesa iba ang atupagin niyo. Para kayong mauubusan ng lalaki sa pinaggagawa niyo." Sabi niya sa kaklase.

Kaya minsan sa halip na sa classroom siya tatambay ay sa library na lang niya papatayin ang oras niya. Pero minsan ay talagang may angking kakulitan si Axel at talagang pinupuntahan siya doon at guguluhin.

"Axel, 'wag ka ngang magulo. May exams na tayo sa sususnod na araw. Kaya please lang. Hayaan mo akong mag-review man lang." Sabi niya dito ng hindi binabalingan ng tingin. At patuloy lang siya sa pagbabasa.

"Paturo naman sa Physics oh? Ang gulo ng formula." Sabi nito.

Tiningnan niya ito at hayun na naman ang pagsusumamo sa mukha nito.

Kinuha ni Raven sa bag niya ang Physics notebook at inabot dito. "Kopyahin mo ang mga formula at tiningnan mo kung saan ginagamit yan! 'Wag mong kabisaduhin ang formula lang basta-basta. Pag-aralan mo ng maintindihan mo. "

Kinuha naman nito ang notebook niya at binuklat-buklat. "Ang ganda mo talagang magsulat. Kasing ganda mo." Sabi nito.

Pakiramdam ni Raven ay may kung ano siyang naramdaman. Isang pakiramdam na di niya maipaliwanag. Isang pakiramdam na di niya mabigyan ng kahulugan kung ano iyon. Isang pakiramdaman na noon niya lang naramdaman.

-----

A/N: Tinatamad akong isulat ito. Pakiramdam ko ay walang nagbabasa. :(

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon