Chapter 28

1.5K 38 2
                                    

Chapter 28

Kanina pa hindi mapakali si Axel. Kung may nakatingin siguro sa kaniya ay paniguradong mahihilo sa paroo't parito niya. Panay din ang tingin niya sa wristwatch niya na tila inip na inip. Ilang minuto na lang kasi ay tatawagin na ang flight nila ngunit wala pa ang dalaga. Ilang beses niya rin itong tinawagan sa number nito na nakuha niya pa sa kaibigan nito pero cannot be reached naman ito. Hindi naman siya nagtangkang pumunta sa bahay nito dahil baka magalit sa kaniya ito.

Nang mapag-alaman niyang nag-file ng leave ang dalaga ay kinabahan na siya. Alam niya kasing wala sa loob nito anng pagpayag sa pagpunta sa Cebu. Wala naman talagang conference na magaganap. He just wants Raven to meets his parents and his parents are excited too.

Narinig na niya ang pagtawag ng flight nila ngunit ni anino ng dalaga ay wala pa rin. Kinuha na ni Axel ang gamit niya ng biglang may magsalita sa likuran niya.

"I'm sorry, I'm late. Tara.." at naramdaman niya ang paghawak ng malamig na kamay ng dalaga.

Tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya marahil ay napansin ng dalaga kung saan siya nakatingin kaya agad binawi nito ang kamay. "S-sorry." Hingi nito nang paumanhin.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Axel sa dalaga.

Bahagya itong ngumiti sa kaniya at umiling. "Okay lang ako. Tara baka maiwanan tayo." Ani nito.

Tumango siya at tahimik na naglakad. Napangiti ng lihim si Axel dahil hindi niya inaasahan na darating pa ang dalaga.

Nakasettle na sila sa upuan nila nang mapansin ni Axel na nakapikit ang dalaga at pinagpapawisan. Malakas naman ang aircon kaya labis siyang nagtataka.

"Raven.." nag-aalalang tawag niya.

"Hmmm.." dumilat ito ngunit agad ding pumikit at mahigpit na humawak sa braso niya nang maramdaman nito ang pag-angat ng eroplano. "Oh my God!"

"Hey Raven.. okay ka lang?"

"Mamamatay na yata ako!" Tila hindi nito narinig ang sinabi niya.

Hinawakan ni Axel ang balikat ng dalaga ay bahagyang niyugyog ito upang kumalma ito. "Raven, calm down. You'are not going to die." Paalala niya sa dalaga. First time ba nito? "This is your first time?" Tumango ito.

"Axel, ayoko pang mamatay.." umiiyak na ani ni Raven at bahagya pang nanginginig.

Hinila naman ito ni Axel at mahigpit na niyakap. "I'm sorry, Raven. I didn't know. Hush now, Sweetheart.." papakalma niya dito at marahang hinagod ang likod nito.

"A-axel.." ramdam mo ang pangangatog nito. "Don't leave me please."

"I promise. I'm just here." At inabutan niya ito ng tubig upang mas kumalma. "May bad experience ka ba sa eroplano?" Tanong niya dito habang hinahagod ang likod nito.

"Namatay ang Kuya ko at si Papa sa plane crash." Maiksing sagot ng dalaga.

God! He didn't know! Kung alam niya lang sana ay di na sana niya tinuloy ang plano niya. Hinintay na lamang sana niyang makauwi ng Manila ang parents niya. Niyakap niya ito nang mahigpit. Tanging iyon na lamang ang magagawa niya upang mawala ang takot nito, hindi niya alam ang gagawin kung may mangyaring masama sa dalaga.

Kinakausap niya ito habang hinahalik-halikan ang buhok nito. Ayaw kasing matulog ng dalaga kaya kinakausap na lamang niya upang hindi isipin nito na iniwanan niya ito. Magkahawak din ang kamay nila nang mahigpit. Kung may makakakita lang siguro sa kanila ay aakalaing may relasyon sila.


Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng dalaga sa kaniya niyang maramdaman nitong pa-landing na sila. "Axel babagsak yata tayo!" Mariing sabi nito.

Hinawakan niya ang mukha nito at pinunasan ang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata nito. "Hindi tayo babagsak, okay? Pa-landing na tayo." Marahan niyang turan dito at hinalikan sa noo.

"Thank you Axel and sorry." Malumanay na sabi ng dalaga.

"It's okay." Ngumiti siya sa dalaga to assured na okay lang talaga.

Tinulungan niyang tumayo si Raven at siya na rin ang nagdala nang mga gamit nito. Hindi naman umangal ang dalaga. Gusto niyang ngumiti nang pagkalapad-lapad dahil sa sayang nararamdaman niya. Hindi man lang ito nagreklamo ng yakapin niya ito. Wala rin siyang narinig na angil dito ng hinalikan niya ito pero hindi pa rin niya mapapatawad ang sarili niya sa ginawang kapangahasang ginawa niya. Dahil sa kagustuhan niya na dalhin ito ay muntik niya pang mapahamak ito.

Tumingin siya sa dalaga na noo'y deretso lamang ang tingin, hawak niya pa rin ang kamay nito at wala siyang balak bitawan ito. Marahil ay naramdaman nito ang pagtitig niya dito kaya tumingin ito sa kaniya.

"Okay ka na?" Biglang tanong niya dito.

"Yes. Thank you, Axel." Hindi na siya kumibo dahil nandoon na sila sa tapat ng sasakyan nila. Iniabot naman kay Axel ang susi at umalis na rin ang lalaking nagbantay sa sasakyan niya.

Pinapasok niya ang dalaga sa loob ng kotse at umikot sa driver seat. Habang nasa byahe ay wala silang imikan.


"Saan mo gustong pumunta muna?" Pagbasag niya sa katahimikan.


"Wala. Sa hotel na lang siguro gusto ko kasing magpahinga muna." Sabi ng dalaga at bahagyang tumingin sa kaniya.


"Sa rest house ka namin tutuloy." Seryosong saad niya at hindi man lang sumulyap sa gawi ng dalaga.


"Ano? 'Wag na Axel. Sa hotel na lang kung saan ang iba pang empleyado at kung saan gaganapin ang conference." Sabi ng dalaga.


"Walang conference na magaganap." Saad ni Axel na ikinalaki ng mata ng dalaga.

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon