Chapter 14

1.4K 44 5
                                    

Chapter 14

"10 over 10. Di na masama. Pang anim na quiz mo na ito na puro perfect ha? Keep it up!" Sabi niya kay Axel habang itinataas dito ang papel nito.

Namamangha kasi siya sa binata. Axel shows some improvement. Hindi man nito na perfect ang mga long quizzes nila ay di naman ito bumabagsak. Halos pasado na ang grade nito. Lahat nga ng teacher nila ay humahanga sa binata. Minsan nga tinanong siya ng mga nito kung may kinalaman siya. Simula kasi ng tumabi si Axel sa kaniya ay nakikita ang improvement nito. Pero mariin niyang itinanggi iyon.

Itinigil nito ang pagche-check ng papers at tumingin sa kaniya. Madalas na rin na tinutulungan siya nito at inaantay pag-uwi. Hinayaan na lang niya ang binata sa pagiging malapit sa kaniya.

Nagpanglumbaba naman ito sa kaniya. "Magaling ang Tutor ko eh." Sabi nito sabay kindat sa kaniya. Napailing naman siya. "..saka malapit ka sa akin." Dugtong pa nito at pinagpatuloy ang pagche-check ng quiz nila.

"Oo nga pala. May makokopyahan." Sabi niya. Iyon naman talaga ang motibo ng mga kaklase niyang nakikipaglapit sa kaniya.

"Hindi. Inspirasyon." Sabi pa nito. Napanganga siya sa sinabi ng binata. "Saka kahit ilang quizzes at exams pa ang i-perfect ko ay di pa rin kita kayang pantayan. Walang makakapantay sa talino mo, Raven. Kaya kahit anong effort ko ay di pa rin kita maaabot." Seryosong sabi nito at matamang nakatingin sa kaniya.

Hindi alam ni Raven kung paano sasagutin ang mga sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing kasama niya ito ay puro pamumuri ang sinasabi nito. At sa hindi niya malamang dahilan ay nararamdaman niyang sincere ito at walamg halong pambobola. Parang pakiramdam niya ay napakaperpekto niya sa paningin nito. At lahat ng sinasabi nito ay tinatanggap ng sarili niya.

Ibinalik na lang niya ang pansin sa pagche-check at iniignora ang pagtitig ng binata sa kaniya.

"Stop staring Axel. That's rude." Sabi niya na lang upang maitago ang pagkailang dito.

Matapos ang pagchecheck nila ay mabilis na itinago ni Raven ang red ballpen niya sa bag at sinalansan na ang mga quiz paper nila.

"Salamat Axel." Sabi niya at mabilis lumapit sa pintuan.

"Sabay na tayo." Anito at mabilis na humabol sa kaniya. Ang kakulitan ni Axel ang di niya ata mapigil.

Tahimik silaang dalawang naglalakad sa may corridor hanggang sa makarating sa faculty room. Inilagay ni Raven sa table ng teacher nila ang mga check papers.




"Uwi ka na?" Tanong ni Axel. Nakataas ang mga braso nito sa likod ng ulo.

"Yes. Ang dami ko kasing gagawin. Bakit?" Baling niya sa binata.

"Aayain sana kitang bumili dyan sa may convenient store." Tila nahihiyang sabi nito.

"Aa wala naman akong bibilhin e, ano ba bibilhin mo?" Di na magawang tarayan ni Raven ang binata. Sa loob kasi ng ilang buwan nilang magkaklase ay nakilala na niya ito. Lagi rin itong nakasunod sa kaniya.

"Tara na kasi." Hinila siya nito. Mabilis ang lakad nito hanggang sa makarating sila sa gate. Tumango si Raven sa Guard na nakabantay.

"Hoy, Axel! Dahan-dahan ka naman! Kapag ako natisod mananagot ka sa akin!" Singhal niya dito.

Bumagal naman ang lakad nito hanggang sa makarating sila sa isang convenient store.

"Ano gusto mo?"

Napairap si Raven sa binata. "Ikaw nag-aya dito. Sinabi ko na sa'yo na wala akong bibilhin."

"Ang taray mo talaga. ." Sabi nito na may pangiti-ngiti pa. "..wait lang." Dugtong pa nito.

Nagpangalumbaba ai Raven habang inaantay si Axel. Hindi niya mawari kung bakit napapayag siya ni Axel. Hindi namam siya ang tipo ng babae na nagpapansin dito. Kahit siya ay ayaw niya dito sa simula palang. Masyadong mapaglaro sa mga babae at walang paki sa pag-aaral. Pero sa dalas ng pagsama nito sa kaniya ay nakikilala niya ito. Oo, aaminin niya may mga bagay siyang nalalaman tungkol dito na di niya alam kung totoo ba.

"O.." iyon ang nagpabalik sa kaniya sa realidad. Tumingin siya kay Axel pagkatapos sa inaabot nito. Isang cone ice cream. "...kumakain ka naman siguro nito diba?" Napatango na lang siya.

Kinuha niya ang ice cream na iniaabot nito sa kaniya. Nagpasalamat siya. Sa katunayan ay paborito niya ang ice cream lalo na at cookies 'n cream ang flavor nito. Kinuha niya ang wallet niya at kumuha siya ng pera dito.

"Aanhin ko yan?" Tanong sa kaniya ni Axel ng iabot niya ang singkwenta pesos.

"Bayad ko sa ice cream, Axel." Sabi niya.

"Sira!" Sabay tawa nito sa kaniya. Kinunutan naman niya ito ng noo. "Itago mo na nga iyan. Libre ko 'to." Kinuha nito ang kamay niya at isinara. Nasa loob nito ang singkwenta pesos niya.

Napairap si Raven. Pakiramdam niya kasi ay binabayaran nito ang oras niya. Tumayo na siya na ikinatingin nito. "Uwi na ako, Axel. Salamat rito." Sabay yukod niya dito. "Umuwi ka na rin gabi na." Kasabay nun ang pagtalikod niya dito.

Nakangiting nakatingin si Axel sa dalaga. Sa sinabi nito ay pakiramdam niya na Raven cared for him. Inubos niya rin ang ice cream at umalis na ng convenient store na iyon na may nakapaskil na ngiti sa labi.




Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon