Chapter 21

1.5K 38 4
                                    

Chapter 21



"Hatid na kita." Rinig niyang sabi ni Axel.



Napairap siya. "Kaya kong umuwi ng mag-isa."



"Do you want them know na nagkukuwanri tayo?" tila pangongonsenya nito.



"Let them know." Mataray na saad niya dito. Simula kasi kahapon ay din na siya tinantanan nito. Axel really enjoy playing this kind of game.



"Really? Hahayaan mo bang mapahiya ka, Raven?"



"Wala ng tao Axel. Di na natin kailangang magpanggap. Kaya kong umuwing mag-isa."



"Except for Denise. Inaantay yata ang paghatid ko sa'yo. Ano Raven?" nakahalukipkip pang sabi nito.



"You really an ass, Axel Drake." Inayos na niya ang gamit niya. "Fine. Pero sa elevator lang. sa basement ka at sa receptionist ako dadaan." Ani niya sabay tayo. Naglakad na rin siya papuntang elevator, nakasunod naman si Axel sa kaniya. Sa gilid naman ng mga mata niya ay nakita niya si Denise na matamang nakamasid sa kanila.



"Raven, kung sa receptionist ka dadaan mahahalata tayong di sabay uuwi. Ihahatid na kita." Sabi ng binata sabay pindot sa button ng basement.


Napabuga na lang siya ng hangin. Iisipin na lang niya kung paano lumusot kapag nasa basement na. As much as possible ay ayaw niyang makasama ng matagal ang binata. And driving her home could really a torture to her.



Pagkabukas palang ng elevator ay mabilis siyang lumabas. Ngunit napasinghap siya ng maramdaman ang kamay nito sa braso niya.


"Let me go Axel." Mariin na sabi niya sa binata.



"And where do you think you are going Raven? This way ang papuntang sasakyan ko." Mahinahon na sabi ng binata.



"I'm not going to come with you. Wala ng makakakita sa atin dito. Pwede na tayong maghiwalay." Sabi niya na di man lang tumitingin dito.



"At saan ka naman sasakay?"



"Magtataxi. Marami naman dyan." Saad niya dito.


Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon