Chapter 12

1.4K 58 12
                                    

Chapter 12

Ipinasa na rin nila kinabukasan ang article nila. Nakita at nabasa na rin ni Mrs. Ramirez ang ginawa nila. Mrs. Ramirez even approved the title of the article. By the end of September ay mai-release na iyon. Dalawang beses kasi silang naglalabas ng School Paper.

"Congratulations!" Masayang bati sa kanila ni Mrs. Ramirez.

"Thank you po. We don't want to dissapoint you, Ma'am." Sabi ni Raven.

"And Axel para ka ng proffesional sa mga kuha mo. You should take a photography course in college." Nakangiting baling nito kay Axel.

"I'm think about it, Ma'am." Magalang namang tugon.

"Anyway, I dismissed you, two. May gagawin pa kasi ako." Paalam ng Ginang. Tumango naman silang dalawa at nagpaalam na rin dito.

Naglalakad na silang dalawa papasok sa classroom nila. They were not talking. Nasa likod lang si Axel ng dalaga. He didn't say anything. Alam niya rin naman na di siya kakausapin ng dalaga. Mukhang wala ring humaharang sa dinaraan nito. Kilala kasi si Raven sa pagiging seryoso. Nang makarating sila sa silid ay di man lang siya nito nilingon.


---

"Raven, pa-check naman nito." Sabi ni Mariz na class treasurer nila.

"Ano ba yan?" Tanong niya dito.

"'Yung mga gagamitin natin sa Intrams. May Mural kasi na magaganap e." Kinuha ni Raven yun at tiningnan pagkatapos ay nilagyan niya lang ng initial at ibinalik ulit dito. "Salamat." Tumango lang si Raven. Pagkaalis ni Raven ay dumukdok siya sa table. Kanina pa niya iniinda ang sakit ng ulo. Marahil siguro ito sa kulang sa tulog. Hindi siya nakatulog agad dahil may lima silang long quiz sa araw na iyon.

She's busy checking some papers. Gawain na niya iyon for almost a year. Kaya iyon pa ang dahilan kung bakit siya ginagabi nang uwi. Nahihiya naman siyang tumanggi dahil din sa reputasyon siya. But somehow she happy with her life.

"Tulungan na kita." Sabi ni Axel na may hawak na red ballpen at humila ng isang papel sa kaniya. Kinuha rin nito ang answer key at nagsimula ng mag-check.

"Di na kailangan kaya ko naman." Sabi niya at pilit inaagaw ang papel dito ngunit inipit lang nito gamit ang siko. "Ano ba?" She hissed.

"Tutulungan na kita. Alam ko naman ito e." Sabi nito.

Napairap na lang siya. Hinanap ang papel nito sa mga tapos na niyang chekan. Itinaas niya ito sa harap ng binat. "Alam mo pala. Kaya pala 16 over 50 ka lang. Ni hindi mo pa nakalahati ang score." Sabi niya dito.

Napasimangot naman ito sa kaniya. "Di ba pwedeng magsinungaling minsan?"

"Di ako marunong magsinungaling." At inagaw dito ang papel at nagsimula na ulit siya sa pagche-check.


Nagpangalumbaba si Axel. "Babantayan na lang kita. Baka kasi dayain mo."

Para namang nagpanting ang tenga ni Raven sa sinabi nito. Binalingan nito ang lalaki ay tinitigan ng masama. "Kahit kaylan ay di ako nandadaya. Hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na yan. At si ako Scholar para sa wala." Galit niyang utas.

Ngumiti si Axel. "Sabi ko nga. Ikaw na yata ang kilala kong babae na sobrang talino at seryoso sa pag-aaral. At kahit kaylan ay di mo naisipang mandaya. Kaya di ako naniniwala sa mga sabi-sabi." Sabi nito na wala lang at kumuha ulit ng mga ilang papel at nagsimulang mag-check.

Napanganga si Raven. Hindi niya akalain na kay Axel Drake niya pa maririnig ang papuring iyon. Dahil ang buong akala niya ay walang ibang ginawa ito kundi ang mangulit sa kaniya.

Ipinilig na lang niya ang ulo. At bumalik na lang sa pagche-check.

---

A/N: Sorry for the short update. Di ko kayang pahabain yung convo nila. Thank you po sa nag-babasa kahit wala. ☺

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon