Chapter 30 (Part One)

1.7K 49 3
                                    

Chapter 30 (Part One)

Naramdaman ni Raven ang pagtigil ng sasakyan nila kaya napatingin siya sa harap. Napansin niya ang isang eleganteng rest house na kahit lumipas ang maraming taon ay hindi mawawala ang kagandahan nito. Lumabas na nang sasakyan ang binata kaya napilitan na rin siyang lumabas.

Mabilis nitong kinuha ang mga bagahe nila at iniabot sa dalawang babae na tantiya niya ay mga katulong.

"Tara." Maikling sabi ni Axel at inalalayan siya sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak sa likod niya.

"Fernando! Andito na sila." Rinig niyang sigaw ng isang babae na nasa may pinto. Kahit may katandaan na ay di pa rin kumukupas ang ganda nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanila at parang gusto ni Raven na lamunin ng lupa sa paraan na titig ng ginang.

"Hi, Mom." Bati ni Axel ng makalapit na sila rito. Humalik ito sa pisngi ng ina.

"Mabuti naman at nakarating kayo ng maaga." Tumingin ito sa kaniya at ngumiti kaya wala siyang nagawa kundi ngumiti rin dito. "You must be Raven."

"Yes Ma'am." Magalang niyang sagot dito. Nakikita na niya ang ginang sa mga event ng kompanya at alam niya na mabait ito pati na rin ang asawa nito.

"Finally I meet you. Naikwento ka kasi sa amin---"

"Don't mind my wife, Raven. Masyado lang talagang madaldal ang esposa ko. Marahil ay pagod kayo dahil sa byahe kaya mabuti sana kung kumain muna kayo bago magpahinga." Sabat ng isang may edad na lalaki. Ang Daddy ni Axel.

"Oo nga. Sorry hija, masyado yata akong na-excite ng makita kita. Halika na kayo sa loob." Mahinhin na sabi ng ginang.

"Isama niyo na po si Raven sa loob, Mom, Dad. Pupunta muna ako sa baybay upang tingnan kung nandoon na ang yate ni Tripp na hiniram ko. Manang paki-hatid na lang po 'yung gamit ko sa kwarto ko pati na rin po 'yung gamit ni Raven sa guestroom." Bilin nito sa matandang katulong. "Dito ka muna. Magkita na lang tayo mamaya." Mahinahon na turan sa kaniya ng binata kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango.

Nang makaalis na si Axel ay nakaramdam siya ng tampo rito. Papauwiin na talaga siya nito. "'Yang bata talagang iyan! Pagpasensiyahan mo na, Raven iyang si Axel. Babalik din yan mamaya." Untag ng ginang.

Tumingin naman siya dito at ngumiti. Ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya.

"Ang mabuti pa ang pumasok na muna tayo sa loob para kumain." Singit naman ng ama ni Axel.

"Pwede po bang dumeretso po ako sa tutuluyan ko? Kung meron po. Kasi dito po ako dinala ng anak niyo kahit sabi ko po na sa hotel na lang." Nahihiyang sabi niya.

"Ano ka ba naman hija? Nasabi na ni Axel ang pagpunta mo dito. Welcome na welcome ka rito." Masayang saad ng ama ng binata.

"S-salamat po. Maaari po ba akong magpahinga muna. Aantayin ko na lamang po si Axel." Pagdadahilan niya.

"Mabuti pa nga. Sige at pumanhik ka na. Papasundan na lamang kita kahit orange juice." Ani ng ginang.

Magalang na nagpaalam siya sa mag-asawa. Nang maihatid siya sa kwartong tutuluyan niya ay nagpasalamat siya sa kasambahay na naghatid sa kaniya. Marahil ay sa pagod kaya nakatulog din siya kaagad.












Masyado yatang napahaba ang tulog ni Raven. Nagising siya pasado alas-tres na. Naisipan niyang lumabas ng kwarto dahil nahihiya siya sa mga magulang ni Axel at baka nandoon na rin ang binata. Gustuhin man niyang antayin ito kanina ay hindi na niya nagawa dahil nakaramdam siya nang pagod kaya nakatulog din siya.

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon