Chapter 30 (Part Two)

1.8K 49 7
                                    

Chapter 30 (Part Two)

Nakaalis na ang ama ng binata ay wala pa ring kumikibo sa kanilang dalawa. Minabuti ni Raven na ibalik ang atensyon sa mga plaque ng binata kaysa dito. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siyang makita sa mga mata nito ang galit at muhi sa kaniya kahit pa alam niyang hindi ito nagdadamdam sa kaniya ayon sa ama nito. Natatakot siya sa maaaring kahantungan nang lahat.

"Raven.." rinig niyang tawag nito sa pangalan niya. Kumalabog ang dibdib niya na anumang oras ay maaaring sumabog.

"Ang dami mo na palang na-achieved. Hindi ka na ma-reach." Untag niya at pilit winawala ang malakas na presensiya ng binata na alam niyang malapit lang sa kaniya. "Ang layo mo na."

"Tama ka. Pero kung hindi dahil sa mga salitang narinig ko noon sa isang tao ay baka wala iyan. Kaya nga gusto kong magpasalamat sa kaniya." Seryosong saad nito ngunit hindi niya magawang lingunin ang binata.

"It's you, Axel not someone else. You just proved to that person that you are the person to be proud of." Turan niya at tumitig sa litrato nito noong nakatapos ito ng kolehiyo.

"I'm happy to achieved those things. After ten years may maipagmamalaki na ako sa kaniya. Na alam kong babagay na ako sa kaniya. Sa'yo." Sabi nito at ramdam niya ang hininga nito sa bandang likuran niya.

Hindi niya namalayan ang paglapit nito.

She stiffed. "Anong ibig mong sabihin?"

"Para sa'yo ang lahat ng iyan. Gusto ko kapag nagkita na tayo ay kaya na kitang pantayan." Ani nito at pinihit siyang paharap kaya kitang-kita niya ang gwapong mukha ng binata.

"Hindi mo ako napantayan, Axel. Higit pa." She said through low voice.

"Siguro nga." Nagkibit-balikat ito. "Atleast bagay na tayo."

Natulala siya sa sinabi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang hindi normal ang nararamdaman niya ngayon. Pero isa lang ang sigurado siya, dahil ito sa taong nasa harapan niya ngayon.

Hinawi nito ang hibla ng buhok na tumabing sa mabini niyang mukha. Tinitigan siya nito na tila inaanalisa ang bawat parte ng mukha niya.

"You don't know how much I waited this day to happened. I'm happy that you are here after ten years. I want to say sorry and thank you at the same time." Tumigil ito saglit at muling pinagkatitigan ang mukha niya bago dumerekta sa mga mata niya. Telling her to listen carefully. "Sorry for being a jerk. For leaving you ang humiliated you. Pero ayokong pumunta ng lasing baka lalo mo akong hindi mapatawad. That day nang marinig ko ang bawat salitang binitawan mo, aaminin ko nasaktan ako. Akala ko kilala mo ako pero nagkamali ako. Doon ko napagtanto na hindi ako babagay sa'yo. I'm so excited to see you that day kaya nasaktan ako sa nadatnan ko. Ni hindi mo nagawang komprontahin ako to clarify things. Pero I know it happened for a reasons. Nasaktan ako pero nawala din iyon. Kasi mas matimbang yung nararamdaman ko para sa'yo." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng binata. Pakiramdam niya ay tumigil ang pag-inog ng mundo. "And thank you for being here. Simula nang makita kita I said to myself that you have a big impact in my life. Kaya nga hinding-hindi ko pinagsisihan ang pagdating mo sa buhay ko." Nakangiting turan ni Axel.

"Axel.." ani ng dalaga kasabay ang pagtulo ng luha niya.

Ngumiti naman ang binata sa kaniya at pinahid ang luha na tumulo sa mga mata niya. "You don't know how happy I am kasi andito ka. Pwede bang hanggang sa huli sa akin ka na lang?" Nakakakilig na tanong ng binata sa kaniya.

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon