Chapter 8

1.7K 58 12
                                    

Chapter 8

Raven does not know what she's going to do. Every weekend ay makakasama niya ang lalaki. Mrs. Ramirez give them one month to accomplished their task. Magrereklamo pa sana siya ngunit inunahan na siya ni Axel. And knowing Axel parang nasisiyahan pa ito sa mga nangyayari.

"Hello.." sabi niya pagkasagot niya sa cellphone. Kanina pa iyon tunog ng tunog at naiirita siya. Wala siyang pasok at napuyat siya kagabi dahil pumunta sila sa mga Tita niya.

["Good morning, Rachel--.. opps! Sorry! Hahaha. Ganda ng boses."] Rinig niyang sabi sa kabilang linya. Tiningnan niya ang caller at nakitang unknown number ang nandoon. Kaya lalong napakunot ang noo niya.

Ibinalik niya uli sa tenga ang cellphone niya at muling nagsalita. Di niya kilala ang tumawag. "Sino 'to?" Tanong niya. Pupungay-pungay pa ang mga mata niya.

[Aww.. that hurts! May lakad tayo ngayon remember?] Sabi nito.

Lakad? Yan agad ang natanong ni Raven sa sarili. Wala siyang alam na may lakad siya kung kanino man. Never in her entire life she go out with someone else except to her mother.

"Excuse me. Wrong number ka po!" Sabi niya. Ibababa na sana niya ng magsalita ang nasa kabilang linya.

[Andali lang Raven. Tanggap ko na di mo ako nakilala. Pero may lakad talaga tayo! Si Axel 'to!] Pasigaw na sabi nito.

"Axel Drake, wala akong alam sa lakad na sinasabi mo! At saan mo nakuha ang number ko?" Tanong niya dito. Walang nakakaalam ng number niya. Tanging mga Faculty teachers at ang mga kasama niya sa Club at SSG ang pinagbibigyan niya kung na kailangan. Wala naman kasi siyang hilig na magtetext.

[Kay Mrs. Ramirez. Para naman maitext kita. Lalo na ngayon at tila nakalimutan mo na may assignment siya sa atin.] Sabi pa nito.

Bakit nga ba nakalimutan niya yun? Maybe she's not excited to work with him.

Bumuntung-hininga siya. "Okay. Meet me up at exactly 10:00 a.m." aniya dito.

[Sure! I'll pick you up!]

"No!" Mariin niyang sabi. "Sa school na tayo magkita. Got to go!" Di na niya hinintay makapagsalita ito at pinutol na ang tawag. Inis siya bumangon ng higaan at nagpunta ng banyo.

---

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Axel. Napakasungit talaga ng dalaga. But he can't help it. Kanina kahit binaba na nito ang tawag ay di pa rin niya inaalis sa tenga ang cellphone niya. Maganda ang boses ng dalaga maging sa telepono. Alam niya na naiirita ito sa kaniya. Ibang-iba talaga ito sa lahat ng babae na nakilala niya espicially sa school nila. Bumaba na si Axel para mag-umagahan. Kumakanta pa siya ng kanta ng 1D.

You don't know your beautiful~~

"Mukang maganda ang gising mo hijo ha?" Bati sa kaniya ng Mommy niya. Nasa sala ito at tila hinihintay ang pagbaba niya.

Ngumiti siya dito. "Good morning, Mom!" Bati niya dito at humalik sa pisngi. Napakaganda talaga ng Mommy niya. Kung sa bagay nasa mid-40 pa lang naman ito.

"Hmm. Good morning too! What makes you on a good mood dear? At tila ang aga mong nagising? May lakad ka?" Sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

Inakbayan niya ang ina at ginaya papuntang dining room. "Nah! Mom, sadyang maganda lang talaga ang gising ko. And yes, may lakad po ako." Nakangiting sabi niya dito.

Her Mom's eye twinkled. "Really? It's a date then. Di ka naman ganyan e, kahit tayo ang may lakad ay nakasimangot ka pa.." napasimangot tuloy siya sa sinabi nito. Totoo kasi ang sinasabi nito. Kahit may lakad sila ay tinatanghali pa rin siya ng bangon. Natawa naman ang ina. "..and mukang ang taong kasama mo ang dahilan kung bakit ka good mood. She must really special."

"Si Mommy talaga oh?!" Asik niya dito. Napahalakhak na tuloy ang ina. "She agad? Saka di po yun date. May task kasi samin yung Mentor namin sa Journalism. Siya ang writer ako ang photographer. Kaya wag niyo pong lagyan ng malisya." Sabay simangot niya dito. Pero sa utak niya ay gusto niyang sabihin na masaya talaga siya na makakasama ang dalaga. Napaka-aloof kasi nito.

Mabuti na lang at dumating na rin ang kaniyang ama kaya di na nag-usisa pa ang kaniyang ina. Very open naman siya sa mga ito. Kaya nga masaya siya at ito ang naging magulang niya. Kahit anong laki ng Business na hawak ng Daddy niya ay lagi pa rin itong my time para sa kanila ng Mommy niya. Kaya kahit paulit-ulit siyang tatanungin kung sino ang gisto niyang maging magulang ay ito pa rin ang pipiliin niya.

Pagkakain ay umakyat na siya sa kwarto niya. Agad niyang kinuha ay cellphone niya at nagtipa dito.

'See you later Raven. :)
-Axel :*'

--

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon