C H A P T E R 1:
QUESTIONS×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××
IT was rainy and Mommy and I are heading to the school.
"Are you ready for school, baby?" Araw-araw tinatanong sa akin ni Mommy kung ready na ba ako kapag papasok na ako sa school, and hindi ko alam kung bakit.
"Yes po, Mommy."
"Remember what I said, Augustine? Huwag mong hayaang may makabasa ng isinulat mo sa gift ni Mommy sa'yo kahapon, dahil dapat special 'yan sa iyo, okay?"
"Opo."
"Hey? May problem ba, baby?"
"Mommy..... huwag nalang po pala kasi baka magalit ka na naman kasi naging makulit ako."
"Hindi ako magagalit promise, ano ba 'yun? Bilisan mo baby dahil baka ma-late ka na sa class mo."
"K-kasi po... gusto ko lang po itanong kung babalik pa po ba sa atin si Daddy?" Mahina lang ang boses ko dahil baka mas magalit sa akin si Mommy.
Ayaw ni Mommy na magtatanong ako parati tungkol kay Daddy, pero hindi ko alam ang gagawin ko, nakikita ko ngayon ang ibang estudyante dito sa school na hatid ng kanilang Mommy at Daddy pero sa akin ay si Mommy lang.
Ayaw kong magalit sa akin si Mommy dahil natatakot ako kapag nakikita ko siyang galit sa akin, at parati akong naiiyak kapag sumisigaw na si Mommy sa akin.
"Augustine, I told you this for how many times, right? You don't need to look for him dahil nandito naman si Mommy, kaya kang alagaan ni Mommy ng mag-isa, kaya hindi mo na siya kailangan pang itanong o isipin pa, okay?"
"Opo." pero hindi ko alam anong gagawin kapag nakikita ang lahat na may Daddy. Hindi okay para sa akin dahil gusto ko na makita si Daddy, gusto kong sasabay siya kapag maghahatid sa akin dito sa school, gusto ko kasama namin siya ni Mommy... gusto kong makita ang Daddy ko.
"Pumasok ka na doon dahil hinihintay ka na ng teacher mo."
Bumababa agad si Mommy sa sasakyan at binuksan niya ang pintuan sa tabi ko.
"Come on, Augustine."
"Mommy..."
"Yes?"
"I'm so sorry po." I hugged Mommy dahil baka magalit na naman siya sa akin. Ayaw ko siyang magalit dahil mahal na mahal ko siya... sila ni Daddy if makita ko na siya.
"It's okay, don't worry. Look, your friends are waiting for you. Be a good girl in school, Augustine, okay? I love you."
"I love you, Mommy."
Nagbye-bye muna ako sa kaniya bago tumakbo papunta kina Christine at Karol, my friends.
"Hello, Augustine," sabi nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Drama Of A Naive Girl
General FictionDIARY OF A NAIVE GIRL highlights the not-so-fun roller coaster story of Augustine Leonora De Vera, as she starts to unravel the truth about her life as time goes by and as she grows up seeing things in a wider perspective ripping her naiveness apart...