DIARY OF A NEW NAIVE GIRL

14 4 0
                                    

DIARY OF
A
NEW
NAIVE GIRL

SEPTEMBER 2, 2024

Happy Birthday po, ate Augustine.

Nabasa ko po kasi ang pinaka-unang diary mo po dito sa notebook is noong birthday mo rin kaya po ngayon, gusto ko pong magsulat ng diary para sa inyo.

Nasa hospital pa din po ako ngayon pero ang sabi po ni Mommy is baka ilang araw nalang po ay makakalabas na ako dahil pwede na daw po akong tulungan nila doctor na mawala ang sipon at ubo kasi po tinulungan daw po kami ng Mommy at Daddy mo, thank you po dahil po sa mga magulang mo po ate ay makakalabas na kami dito sa hospital at makakapaglaro na po ako sa labas.

Binigyan ko nga din po sila ng bagong drawing po kasama ka, ako, tapos si Mommy, Mommy and Daddy mo, at si kuya Karl.

Tapos po si kuya Karl, parati niya po akong binibisita dito sa hospital at sabi niya po ay tutulungan niya daw ako makakuha ng mga magagandang picture gamit ang binigay mo na mini camera.

Tapos ate, ang picture natin ay ginawan ni Mommy ng frame para daw makita ko araw-araw dito ang mukha mo parati.

Miss na miss na po kita, ate Augustine.

Sabi ni kuya Karl, paglabas daw ko daw po ay dadalhin niya ako sa beach kung saan po kayo nagkita ulit, sabi niya po ipapasyal daw niya ako doon.

Sana po ate nakakasama ka pa din namin ngayon ni kuya, kasi po miss na miss ka na ni kuya. Pati din po ako. Pati din po si Mommy.

Promise ate, secret ko lang ang diary ko dito pati ang sa iyo, secret lang po natin dalawa lahat dito.

Thank you po ulit, ate Augustine.

At sana po... sana po magkita ulit tayo.

Sana po makita ulit kita, ate Augustine.

I love you, ate.

Sylestine Kaith Santiago
7 years old

Drama Of A Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon