[4] Broken Meet-Up

10 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R   4: BROKEN MEET-UP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C   H   A   P   T   E   R   4:
BROKEN MEET-UP

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

ANOTHER year has passed and I'm still not able to enjoy my childhood.

I have no more connection with Karol and Christine, at sa loob ng isang taon na wala sila ay wala akong ibang naging kaibigan sa school, ako lang palagi ang kasama ng sarili ko dahil sabi ni Mommy, if wala na sila Karol and Christine ay huwag na akong makipag-kaibigan sa iba o makipag-close sa iba, dahil baka ano pa raw ang impluwensya nila sa akin especially na high school na ako ngayon.

Wala din akong nagawa kundi ang sundin si Mommy dahil wala na akong ibang choice, at kahit na marami akong kaibigan ngayon ay parang wala lang din namang silbi dahil hindi din naman ako papayagan ni Mommy na makasama o makipag-libang kasama sila, kaya mas mabuting mag-isa nalang.

For the past years, I was like a puppet who can't talk dito sa bahay, kung ano ang gusto ni Mommy na gawin ko kahit na ayaw ko or kung para sa akin ay hindi na ako nasisiyahan, ay wala akong magawa kundi ang sumunod dahil gaya nga ng sabi niya, ako pa rin ang malalagot.

Sa totoo lang, nawala na 'yung Mommy na meron ako noong bata pa ako, simula naging 7 years old ako ay parang merong nagbago sa kaniya at kung paano niya ako ituring bilang anak.

"Augustine, we are going to the mall kaya magbihis ka na doon," agad na sabi ni Mommy pagdating niya dito sa sala.

Wala nang ibang salitang lumabas sa akin at agad na ding sumunod sa sinabi niya.

Another thing I missed about Mommy because of the change is when she stopped calling me 'baby'. Dati ay imbes na tawagin niya ako sa totoo kong pangalan ay 'baby' ang tinatawag niya sa akin which brings the soft side ni Mommy sa akin, pero ngayon, ewan ko after kong naging 7 ay nawala na ang pagtawag sa akin ng ganoon.

May something ba sa pagiging 7 years old?

Dahil something changed noong nag-turn ako as 7 years old, at may nagbago din pagkatapos kong maging 7 years old.

Pero, may isang bagay pa ring hindi nagbago simula palang noong una... wala pa rin si Daddy.

"Saan na kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya ngayon?" tanong ko sa sarili ko ng mga tanong na halos araw-araw at oras-oras kong tinatanong sa sarili ko.

Wala na talagang ibang pumapasok sa isip ko sa araw-araw kong buhay, puro nalang si Daddy at kung paano nagbago ang lahat lalo na si Mommy at ako.

"Marcus, sinabi ko na sa'yo, tigilan mo na kami!!" agad kong narinig ang malakas na sigaw na 'yon, and sure ako na kay Mommy ang boses na iyon.

"Marcus, tama na!" another sigaw ang narinig ko.

Kaya imbes na magbihis ay palihim akong lumabas ng kwarto at tiningnan si Mommy sa sala. May kasama siyang isang lalaki na naka-polo jeans at white t-shirt.

Drama Of A Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon