[17] The Rest She Needs

8 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R   17:THE REST SHE NEEDS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C   H   A   P   T   E   R   17:
THE REST SHE NEEDS

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

SYLESTINE’S P.O.V

ILANG araw ko nang hindi nakikita si ate Augustine, hindi na siya bumabalik dito sa kwarto simula noong may nangyari sa kaniya. Sabi ni Mommy ay masama lang daw ang pakiramdam ni ate noong araw na iyon kaya naging ganoon siya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Naghahantay na ang mga barbie dolls ko dahil noong last na pumunta siya dito ay hindi kami nakapaglaro, tapos gusto ko ring ipakita kay ate ang mga picture na kinuha ko dito sa mini camera na binigay niya sa akin.

Sabi ni ate Augustine ay dapat daw ingatan ko ang mga binigay niya sa akin, at dapat secret lang naming dalawa ang mga pictures at ang mga isusulat ko sa notebook, kaya gusto ko nang makita siya ulit dahil marami akong gustong ipakita sa kaniya.

“Sylestine, may gusto ka bang kainin?” tanong sa akin ni Mommy.

Simula noong last na pumunta si ate Augustine dito ay hindi na lumalabas si Mommy, parati nalang siyang nasa tabi ko.

“Mommy, kailan pa po babalik dito si ate Augustine sa kwarto ko? Hindi na po ba siya babalik?”

“Nagpapahinga muna si ate Augustine mo, Sylestine. Nagpapahinga lang siya saglit para pagbalik niya dito sa’yo ay mataas na ang oras niyang maglaro at makasama ka. Huwag kang magalala, bibisita din dito ulit si ate Augustine mo, okay? Alam mo, mas mabuti na ipag-pray natin si ate Augustine na maging okay na siya para makabalik na siya dito agad, okay na 'yun sa'yo?”

“Bakit po? Ano po bang nangyari kay ate? Bakit po naging ganoon nalang siya noong bumisita siya dito?"

“Alam mo, Sylestine, kailangan lang magpagaling ni ate ngayon dahil napapagod na ang katawan niya, kasi parehas kayong may sipon at ubo, hindi ba sabi sa’yo ng doctor na kailangan mong magpahinga para gumaling ang sipon at ubo mo? ‘yun ang ginagawa ni ate Augustine ngayon, kaya let’s pray na sana maging mabilis ang pagpapahinga niya para makasama mo na ulit siya.”

“Sigi po.”

Agad akong tinabihan ni Mommy sa higaan ko at nagsimula na kaming mag-pray para kay ate Sylestine.

Hello po, papa Jesus, wish ko lang po sana ay gumaling na si ate Augustine dahil sabi ni Mommy ay may sipon at ubo din po daw siya katulad ko. Sana po ay maging malakas na po si ate para makapag-laro na po kami ulit, kasi po… miss na miss ko na po si ate, sana po ay i-guide niyo siya dahil nakikita ko po kay ate na palagi nalang siyang umiiyak, sana po ay tumigil na siya sa pagiyak kapag pumupunta dito at maging happy nalang dahil po ayaw kong makita siya na sad pati din po si Mommy, sana po makasama ko na po si ate ulit. At papa Jesus, sana din po, makita ko na din ang Daddy ko, sana po bumalik na siya sa amin ni Mommy para maging kompleto na po kami, sana po makilala ko na po siya para po magkaroon na po ako ng Daddy katulad ng mga classmates ko po sa school. Thank you po, papa Jesus, Amen.

Drama Of A Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon