SEPTEMBER 3, 2013
Hello ulit, second sulat ko na ito ngayon dahil sabi nga ni Mommy simula pa kahapon, kapag may nararamdaman akong something, susulat lang ako dapat ako dito.Kasi kanina gusto ko lang naman maglaro kasama ang mga kaibigan ko, pero nagalit sa akin si Mommy agad, tapos masakit para sa akin dahil sinigawan niya ako kanina pagdating namin sa bahay tapos nakita ko sa mukha niya na galit na galit talaga siya sa akin. Ayoko talaga nakikita siyang ganoon kaya sana ay hindi nalang ako sumali sa taya-tayaan kanina, pero iba kasi sa pakiramdam na makita sila Christine at Karol na naglalaro tapos ako ay nakatingin lang sa kanila dahil hindi sasali.
Kanina din sa school, nalungkot ako dahil parating sinasabi nila Karl at Klarisse na parati nilang kasama ang mga Daddy nila, sinasabi nila na kasama nila ito pag birthday nila tapos ito ang magluluto ng handa nila, tapos sa akin wala. Parati din silang nagtatanong kung nasaan ba talaga si Daddy pero wala akong masagot dahil hindi ko talaga alam kung nasaan si Daddy dahil ayaw sabihin ni Mommy at magagalit siya kapag nagtatanong ako tungkol doon.
Bakit kaya ganoon? Lahat ng mga classmates ko may Daddy na parati nilang kasama, pero bakit ako lang ang wala? Bakit ako lang ang walang Daddy na kasama dito sa bahay?
Sana sa next birthday ko kapag nagwish na ako bago magblow ng candle, sana darating na si Daddy. Sana kapag 10 years old na ako ay makita at makilala ko na siya dahil gusto ko talaga siyang makita, gusto kong makita si Daddy at Mommy na magkasama na sa next birthday ko or kaya kapag mag 10 years old na ako para masaya at kompleto na kaming pamilya, at hindi na ako malulungkot kapag nakikitang kasama ng mga kaklase ko ang mga Daddy nila.
I wish Daddy will come home soon.
Augustine Leonora De Vera
7 years old
BINABASA MO ANG
Drama Of A Naive Girl
General FictionDIARY OF A NAIVE GIRL highlights the not-so-fun roller coaster story of Augustine Leonora De Vera, as she starts to unravel the truth about her life as time goes by and as she grows up seeing things in a wider perspective ripping her naiveness apart...