DIARY OF A NAIVE GIRL

10 4 0
                                    

February 24, 2017

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 24, 2017

Bakit kaya hindi ako pinapayagan ni Mommy sa halos lahat ng bagay? Ayaw niyang maglaro ako sa labas at maging katulad ng ibang bata na masayang naglalaro kasama ang mga kasama nila. Tapos, simula naging 7 years old ako ay hindi na ako binibilhan ni Mommy ng mga laruan, puro nalang notebook, journal, mini camera, photobook, at iba pa.

Feeling ko ngayon ay iba ang buhay ko sa ibang bata dahil ang daming bawal sa akin, ang daming wala sa akin kasama na si Daddy.

Walang sasabihin si Mommy sa kung saan si Daddy o kaya naman ay bakit bawal akong maglaro at magkaroon ng laruan dahil bata pa daw ako, pero 10 years old na ako ngayon, kaya ko nang maintindihan si Mommy, pero ayaw niya paring sabihin dahil hindi pa raw ngayon ang takdang panahon, pero kailan pa ang takdang panahon na sasabihin ni Mommy sa akin lahat? Kapag namatay na ako?

Naguguluhan na ako kay Mommy, sabi pa niya ito raw ang nakakabuti sa akin, pero sa totoo lang... hindi na ako nasasayahan sa mga ginagawa niya.

Dahil sa kaniya, hindi ko nakasama sina Karol at Christine bago sila umalis at mag-aral sa ibang paaralan, imbes na sila nalang ang mga friends ko sa school, nawala pa sila at binawalan pa ako ni Mommy na makasama sila kahit sa huling pagkakataon nalang.

Bakit ganito si Mommy?

Bakit niya palaging ginagawa ito sa akin?

Sana nandito nalang si Daddy para masabihan niya si Mommy at payagan akong gawin ang mga gusto ko na maging masaya habang bata pa ako, dahil sabi nila, dapat daw maging masaya ang mga bata ngayon dahil minsan lang sila maging bata, pero ang lungkot ko ngayon, feeling ko hindi na ako bata dahil hindi ako nasisiyahan sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, feeling ko matanda na ako dahil kahit 10 years old pa lang ako ay ang dami ko nang iniisip at problema, feeling ko matanda na ako dahil hindi ko na-enjoy ang edad ko ngayon dahil maraming bawal.

Sana matanda nalang ako ngayon, sana 15 years old or 18 years old na ako ngayon para sabihin na sa akin ni Mommy lahat at maintindihan ko na siya.

Sana matanda nalang ako ngayon dahil ang boring maging bata, walang laruan, walang kalaro, wala na sila Karol at Christine, tapos wala pa si Daddy.

Sana matanda nalang ako ngayon para parati na akong masaya at magawa ko na ang mga gusto kong gawin.

Makapunta sa gusto kong puntahan na hindi pinapagalitan ni Mommy dahil malaki na ako, at sana matanda na ako ngayon para makilala ko na si Daddy, sana malaki na ako ngayon para umuwi na si Daddy dito.

Ayaw ko nang maging bata.

Augustine Leonora De Vera
11 years old (sana 16 or 18 years old na ito)

Drama Of A Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon