"Uy, baka naman..."
Heto na naman s'ya, mangungulit na naman. Hindi na 'ko lumingon at tuloy-tuloy lang ang lakad papunta sa paradahan.
Ngayon sabihin nina Mommy na 'di ako marunong bumyahe. Araw-araw ko nga 'tong ginagawa. Pero kung tutuusin kaya namang lakarin ng mga 15 minutes ang papunta sa bahay namin.
"Gabriela Mae!"
No! Not the 'Mae'!
Sumenyas ako sa likuran ko na lumayas na s'ya. Kanina pa kasing sunod nang sunod ang pinsan ko sa 'kin. Gusto n'ya kasing magpalibre pero ayaw ko naman. Aba, hindi naman siguro masamang tigilan ko na ang panglilibre sa kanya kung halos araw-araw s'ya naman ang uubos sa kwarta ko.
"Uuwi na 'ko, Kiro!" Inis kong sigaw. "Pagod ako, please."
"Edi, pasabay na lang—"
"No, Kiro. Umuwi ka na sa inyo, hahanapin ka nina Tito."
Isa pang pagpupumilit ni Tim, sa ayaw ko man o hindi, talagang mapupuno na 'ko sa kanya.
"Hindi naman nila ako hahanapin. Kaya sama na lang ako sa 'yo tapos libre mo 'ko pamasahe." Humagikhik pa s'ya.
"Lalayas o lalayas? Mas sumasakit batok ko sa 'yo. Nagtitipid na kasi ako, Timothy."
"Okay, okay, chill." Hinabol n'ya ko para maabutan sa paglalakad. "Sorry na, biro lang naman."
Pero hindi naman kasi ako nakikipagbiruan. Magbabakasyon na magbabakasyon may dumagdag pang isipin sa school. Bakit pa kasi ako nadamay?
"Uy, Gab..." Pero nanahimik na lang ako.
"Sorry naman. Bakit 'di ka namamansin?" Talagang nagtanong pa. S'yempre mas tatalak lang s'ya kung papansinin ko.
"Haggard ka na." Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Sorry na. 'Di ko naman alam na ma-ststress ka agad. Gusto ko lang mawala sa isipan mo kung ano man 'yung bumabagabag sa 'yo..."
"Thanks pero, Tim, ang dami-dami ko talagang iniisip." Actually, hindi ko alam kung alam n'ya ba 'yung nangyari kanina o hindi. Pero hindi na 'ko magugulat kung magtatanong s'ya sa 'kin.
"Okay, sorry na..." Sabay kamot sa ulo n'ya. "Ibuhos mo na lang lahat sa akin ang inis mo. Siguro gusto mo nang panggigilan ang mga 'yon kanina."
Ah, so, alam na nga n'ya.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin kanina noong pinatawag ako sa faculty room." Sabi ko nang may pag-aalala. "That was my first time. Alam mo namang hindi ako gano'n, hindi ba?"
Tumango naman s'ya.
"Ipapatawag ba raw sina Tito?" Kalmado pero seryoso n'yang tanong.
YOU ARE READING
Summer Love
Dla nastolatkówThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...