Gold and silver.
'Yan ang color theme ng centennial birthday party ni Lola Feliz. Since 100th year na n'ya ay napag-isipan nina Mommy at ng mga kapatid niya na gawing engrande ang selebrasyon. At ginto ang pinakababagay na kulay.
Andito pa kami nina ate sa bahay para ayusan pero sina Daddy ay kakaalis lang papunta sa venue.
"Anak, anong gusto mong make-up?" Tanong sa akin ng make-up artist.
"Uhm, light lang po."
"Eh, ang buhok? Paanong ayos ang gusto mo?"
"Mermaid braid na lang po."
"Gusto mong lagyan natin nitong mga gold-gold?" Tanong n'ya sabay pakita sa mga golden leaves, flowers, at pearls na panglagay sa buhok. Tumango na lang ako bilang sagot.
Nagsimula s'yang puyudan ang buhok ko. Napag-alaman ko naman na Ate Cendy pala ang pangalan n'ya at si Ate Reyna naman ang nag-aayos kay ate. Nang matapos sa buhok ko ay sinunod na n'ya ang pagmmake-up sa akin.
Hindi naman s'ya nagtagal sa pagmmake-up sa akin. Brown with golden shimmer ang eyeshadow ko with matching rosy cheek blush at deep plum red for the lips.
Everything turned out stunning. I was so much satisfied with the result. Bumagay talaga ang light make-up at mga gintong palamuti sa buhok ko with the off shoulder white dress na suot ko. The same result with ate. Nakasuot naman s'ya ng strapless golden cocktail dress covered by a white feather shawl.
"Mga dalaga na talaga anak ni Gloria! Pwedeng-pwedeng panlaban sa mga pageants." Saad ni Ate Reyna. "Mga bebe, sali kayo, dali. Ako ang mag-aayos sa inyo."
Nginitian naman namin s'ya at pinasalamatan sila.
"Parating na raw si Austine. Ready ka na ba, Gab?" Tanong ni ate. "Need i-check kung sarado na ang mga bintana at pinto. Nakahugot na bang mga nakasaksak?"
Pumunta ako sa kusina para tingnan kung patay ang lutuan at walang nakasaksak. Chineck ko na rin ang mga kuwarto namin at baka buhay pa ang mga aircon. Nang masigurado ko nang ayos ang lahat ay lumabas na 'ko.
Ni-lock na ni ate ang bahay at hinintay naming dumating si Kuya Austine.
Hindi na kami gagabihin sa party dahil nga hindi naman kaya ni Lola na manatili hanggang gabi sa event. Kaya naman dapat alas-nuebe pa lang ng umaga ay nasa hotel na kami. Tinignan ko ang phone ko at nakitang 8:45 am na. Sakto namang tumawag sa 'kin si Mommy.
"Bakit, Mommy?"
"Nasaan na kayo?"
"Malapit na po kami sa hotel."
"Bilisan n'yo at kayo na lang ang hinihintay sa photo shoot." Rinig ko ang ingay ng mga tao sa background, sa tingin ko ay mga kamag-anak namin 'yon. "Nasa may garden site kami."
YOU ARE READING
Summer Love
Novela JuvenilThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...