"Huwag ka nang magdala ng libro, boy. Outing pupuntahan mo hindi reading club."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Rayven. At sino s'ya para sabihin sa akin 'yon? Binilhan na ba n'ya ako ng libro para diktahan?
"Hindi kita pinapakialaman, boy." Diniinan ko ang bigkas sa huling salita. "Kaya hayaan mo ako sa gusto ko, boy."
"Chill. Baka kasi mabasa, concerned lang naman." Ngumisi pa s'ya sabay lagay ng kamay sa dibdib.
Umiling-iling na lang ako at nilagpasan s'ya. Pero humabol s'ya para sabay na kaming bumaba papuntang salas. Dinala ko na ang mga gamit ko para hindi na 'ko bumalik sa kuwarto kapag aalis na kami.
Today is the day. It's already 6 am at nakaalis na sina Daddy. Alam kong sila 'yung humalik sa noo ko kanina kaya siguro ako naalimpungatan. Nagpunta sila sa kuwarto ko para magpaalam kahit hindi gisng na gising ang diwa ko noon.
"Anong sunod kong gagawin?" Tanong ko kay Kuya Greyson kasi nga nakaatas ako sa pagluluto para sa outing namin.
"Uhm," Pumitik-pitik s'ya ng daliri at saka may naisip. "Ikaw na ang magluto ng ginataan para sa pangumagahan natin, kaya mo?"
"Umagahan? Ginataan? Hindi ba tinapay na lang?"
"May mga gustong magkanin—"
"Ako! Magkakanina ako!" Napatingin ako kay Kiro na galing sa likod ng bahaya at may dalang isang palanggana ng baboy.
Napangiti ako. Hindi ko masasabing parang walang nangyari kagabi pero sa tingin ko ay kahit papaano, mas gumaan ang pakiramdam ni Kiro.
"Nahugasan na namin at nagayat na. Anong luto 'to?" Tanong n'ya at inilagaya ang palanggana sa lamesa. Nginuso naman ako ni Kuya Greyson.
"Ginataang baboy. Si Gab sana ang magluluto... Kung kaya n'ya."
Tinignan naman ako ni Kiro. Alam n'yang kaya kong magluto no'n kasi 'yun 'yung paborito namin but it's too many! Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga. Nagluluto ako pero I'm hesitant right now...
"Kaya 'yan ni Gab! 'Di ba?" Aangal na sana ako kaso nag-isip-isip ako. Baka naman kaya ko nga?
"Tutulungan kita." Sabi ni Kiro dahil siguro napansin na nakakunot na ang noo ko habang nakatingin sa baboy. "Kahit ano 'wag lang sa pagtitimpla."
"I-I don't... Fine, sige na nga. Tara na, magluluto na 'ko. Kaso marami, kaya ko ba?"
"Kakayanin 'yan..."
Malawak naman ang kusina kaya sa kabilang parte kami nagluto. Gata talaga mula sa kinayod na niyog ang gagamitin. Tinanong ko kung sino ang nagkayod at laking gulat ko nang mapag-alamang si Lolo raw! Pero ganon na talaga s'ya dahil naalala ko pa na sa tuwing uuwi na kami ay ipagkakayod ni Lolo at Daddy kami ni Ate ng niyog. Mahilig kasi kami sa kahit anong pagkain na ginagamitan no'n. Lalo na kung ginataan para sa akin.
YOU ARE READING
Summer Love
Ficção AdolescenteThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...