"Nandito na tayo."
Sa wakas. Nag-unat-unat ako ng katawan ko dahil sa haba ng byahe tapos idagdag pa ang traffic. Kita ko na sa labas ng tinted window ang mga kabayo. Sa likod kami dumaan dahil meron palang restaurant sina Arkus sa entrance mismo ng rancho.
Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nalaman ko kanina. Nakausap ko na ang kaklaseng nagpaalam sa akin sa nangyari. Nasa isang party si Pia kahapon ng gabi tapos bigla na lang daw s'yang nilapitan ni Monti at kinausap tungkol sa kumalat na video namin. Alam kong madaling mag-init ang ulo ni Pia sa mga taong ayaw n'ya lalo na pagdating sa kanya. Imbitado rin pala si Kiro kaya nang uminit lalo ang usapan nina Monti at Pia ay doon na nagkagulo ang lahat. Ang masama pa nito ay may nakapag-video sa away nila.
"Let's go now, Gabriela." Napukaw bigla ng boses ni Arkus ang isipan ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakalahad na ang kamay n'ya sa akin sa labas, handa akong alalayan pagbaba ng van. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat.
Natanaw ko ulit ang malawak na berdeng damuhan sa rancho nila. May iba't ibang kulay at laki ng kabayo. Pinapaligiran sila ng mga white fences upang hindi makaligaw.
"Ano nga ulit ang pangalan ng rancho n'yo?" Tanong ko habang naglalakad na kami paloob.
Naiwan na kaming dalawa. Nasa unahan sina Lolo at Polo na mukhang may pinag-uusapan.
"Monti Rancho." Oh.
Napangiwi ako sa narinig. Kapangalan pa talaga ng taong ayaw kong makasalamuha sa buong buhay ko.
"Bakit? May problema ba sa pangalan?" Nagkibit-balikat na ako.
"May naisip lang ako." Sabi ko. "You should talk more in Tagalog. You sound good speaking it."
"Talaga?" Tumango ako. "Talagang talaga ba?"
Napatawa ako sa kanya. Kahit nakakapagsalita s'ya ng Tagalog ay banyaga pa rin ang pagkakabigkas n'ya.
Mayroon ding mga puno ng mangga dito sa rancho nila. May mga bibe, manok, geese, turkey, at iba pang klase ng ibon. Manghang-mangha ako sa lugar lalo na at mahangin din kaya mas maaliwalas.
Nakarating na kami sa farm house. Modernong 'tong tignan lalo na sa loob pero hindi nawawala ang pagiging rustic nito. Naghihintay na pala sa amin sa may bar counter si Tito Lando, agad naman akong lumapit para mag-mano.
"Aba... Kasama n'yo pala, Papá, si Gabriela. Bakasyon na kayo?"
"Opo."
"Sina Carlo? Bakit hindi sumama?"
"Magpapahinga pa muna raw sila." Tumango-tango s'ya.
Amoy alak talaga halos palagi si Tito Lando. Mahilig s'ya doon at halos bitibit n'ya palagi ang baso n'yang may lamang alak.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...