Kahit nakapaglunch na kami ay pumunta pa rin kami sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Arkus. Tito Landro insisted na dapat namin makita ang lugar kaya naman nandito kami ngayon sa Julio's.
The place gives off a vibe of the wild west. Wood was everywhere. Ang upuan ay hindi pangkaraniwan dahil wooden crates ang gamit nila. You can also dine outdoor at maganda raw doon kapag gabi dahil ng mga pailaw.
Tinignan ko ang phone ko kung anong oras na. It's already quarter to 1 pm. Meron din akong messages galing kina Mommy at Ate, kinakamusta nila ako. I took a picture of the place para ipakita sa kanila. And they loved it, maganda naman talaga dito, gustong-gusto ko nga.
"May gusto kayong orderin?" Tanong ni Tito Landro sa amin. Lahat naman sila ay umiling at mukhang ako lang ang may balak na kumain.
"Anong gusto mo, Gab?" Inabot sa akin ni Tito ang menu nila. Hindi ko alam kung libre ba n'ya o hindi, nahihiya akong magtanong.
Tinignan ko ang mga pagkain nila. Gusto ko ng hindi mabigat sa t'yan dahil kakalunch ko nga lang. Dessert sana pipiliin ko pero may fries sila kaya nagdadalawang isip pa ako. Kaya naman ng budget ko ang prices kaya ayos lang sa akin na parehas nang iorder.
Tinuro ko kay Tito ang order ko at ikinatuwa ko naman nang sabihin n'ya na s'ya na ang magbabayad. Nagpaalam naman sina Arkus at Polo na lalabas lang. Nag-uusap naman sina Lolo at Tito. Kaya naman naiwan akong nakatunganga lang sa table.
Dahil wala akong magawa ay kinuha ko na lang ang phone ko. Nagscroll na lang ako sa Facebook at Instagram. Nakita ko ang mga stories ng ilang kakilala ko sa school ng nasa party sila. Ito ata 'yung party na pinuntahan nina Pia.
I checked more pictures of it. Napagalaman ko kung sino ang may pakana no'n. Legality pala ng isa sa mga kilalang estudyante sa school namin; Thoria Viaje. Hindi ko pa rin alam kung bakit nandoon si Pia kagabi kasi wala naman akong alam kung magkakilala ba sila. I just know that she's a year ahead of us, a TV broadcaster, and our SSG Vice President.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang order ko. Inalok ko sina Lolo pero umiling lang sila. Kung kanina ay usap lang, ngayon ay may kaharap na silang laptop tapos may nakalatag pang folders sa lamesa. Hindi pa rin nadating 'yung dalawang lalaki kaya inilabas ko muli ang libro ko para magbasa habang nakain ng fries at ice cream.
Natapos na 'ko at lahat ay wala pa rin atang balak na bumalik sina Arkus. Dahil nga nabobored na ako ay nagpaalam muna ako kina Lolo na magpapahangin sa labas.
Tinignan ko ang paligid. Hindi gaanong karami ang mga tao ngayon. Kaya naman minabuti ko munang maglibot-libot at kumuha ng mga litrato. At nang mapagod ay saka ko napag-isipang bumalik na sa farmhouse.
Malapit nang mag-alas dos kaya nagmessage ako kay Lolo na puntahan na ichat ako kapag aalis na. Saktong tinatamaan na ako ng antok kaya wala akong nagawa kundi ang umubob sa may salas at nakatulog.
Nagalimpungatan na lang ako bigla nang may tumatapik sa balikat ko.

YOU ARE READING
Summer Love
Ficção AdolescenteThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...