"Ha? Anong sabi mo?"
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil hindi makuha ni Timothy ang sinasabi ko. Mahina ba ang signal? Pero naiintindihan ko s'ya nang ayos.
"Ibigay mo na lang kay Kuya Greyson ang phone, Kiro."
"Ha?" Ang kulit naman nito.
"Hotdog, cheesedog..." Rinig kong sabi ni Rayven sa background. Nagtatawanan lang ang mga pinsan ko kaysa tulungan 'tong si Kiro na umintindi.
Napa-buntong hininga ako. "Ibababa ko na 'to. Ichachat ko na lang kayo."
Inend ko na ang call at agad na sinend sa kanila ang direksyon papunta dito sa bahay ni Lolo. Nandito na sila sa San Juan, ang kaso ay wala pa sa kanila ang nakakapunta rito sa bahay ni Lolo. Or at least that's what I know...
MGA APO NI CIANDRO AT FELIZ
Kiro Pogi
Ok na pala @Gabriela
Alam daw ni Tito Jeff kung saan
bilhan n'yo ako ng libro
Okay
Pero how??
OA
Ewan namin
Verna
Ingat kayo! Enjoy :)
Nagheart react ako parehas sa message ni Khloe at Ate Verna. Kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay nang malamang kaya na nilang pumunta rito.
Kakauwi lang din namin ni Lolo. Katulad ng pinagusapan ay ibinaba namin sina Tito Landro sa isa pang rancho nina Arkus pero hindi na kami sumilip para tignan 'yon. Diretsong uwi na agad kami.
"Mommy," Tawag ko. "Alam pala ni Tito Jeff ang papunta dito sa bahay ni Lolo?"
"Oo naman, hindi ko lang alam kung tanda n'ya pa talaga." Sabi n'ya. "Sabihin mo pa rin kung paano baka maligaw ang mga 'yan. Noong kasal pa namin ng Daddy mo ang huling punta n'ya rito."
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang alam ko ay dito sila ikinasal but I never thought of it.
"Dito kami sa bahay nagpakain ng mga bisita noong kasal namin."
"Ohh, okay." Tataas na sana ako nang may maalala akong gusto kong itanong. "Anong oras po ang alis n'yo bukas?"
"Siguro madaling araw. 4 am, aalis na kami."
"Ang aga naman!"
"Para hindi kami matraffic if ever. At nga pala, isama mo na bukas ang Lolo mo at si Yaya Anita." Pabulong na ang pagkasabi n'ya sa huling parte. "Wala silang makakasama rito, kaya hayaan mo na."
YOU ARE READING
Summer Love
Novela JuvenilThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...