Chapter 10

24 0 0
                                    


Bebszx

Sent video.

Hidden talent nga pala ni Tim 😜

Thank me later

Kru Kru

???????

GAGSXZ

Kru Kru replied to you

GALING N'YA

Bebszx

Baka mainlove

Kru Kru

Yaeh ka na

Bebszx

HAHAHAHAHAHAHAHA AWW



Kinabukasan, sinend ko agad kay Pia 'yung nirecord ko kagabi. Kinuwento ko rin sa kanya ang mga nangyari hanggang sa naitanong ko sa kanya kung kamusta na s'ya. Sinabi naman n'ya sa akin na wala na kaming dapat ipagalala sa kanya dahil kaya naman daw n'ya ang sarili n'ya.


Simula pa man ay talagang malakas na ang personalidad ni Pia. Alam niya kung paano ipagtanggol ang sarili at ang mga taong nakapaligid. Matapang at mukhang basagulero raw s'ya pero para sa akin na matagal na s'yang kilala, ayaw lang talaga n'ya maging mahina. Ayaw n'ya na mahimik lang kapag may alam s'yang mali.


"Tara gumala." Biglang sabi sa amin ni Kuya Greyson pagkababa n'ya mula sa kuwarto.


Nasa salas kami ngayon dahil mainit sa loob ng mga kuwarto namin. Wala naman kasing air conditioner dito sa bahay. Tanging electric fan ang nagpapalamig sa amin ngayon.


"TARA!" Sabay na sabi nina Rayven at Ryan.


"Saan ba?" Tanong ni Kiro.


"Sasama ako kung kayo naman ang manlilibre sa akin." Sabi ko naman sa kanila. "Masakit pa rin kaya 'yung pagtama ng bola."


"Sige na nga, kawawa ka naman." Sinamaan ko ng tingin si Ryan at tumawa lang s'ya. Tinanong ko kung tunay bang ililibre n'ya ako, sabi n'ya naman ay oo, pambawi raw.


"Kung saan magandang puntahan dito. Saan ba, Gab?" Tanong sa akin ni Kuya Greyson.


Napaisip bigla ako sa tanong na 'yon. Ano nga ba ang magandang puntahan dito? Hindi ko naman kasi talaga alam ang mga pasikot-sikot dito sa bayan. Iilang lugar pa lang ang napupuntahan ko dahil minsan lang kaming umuwi.


"Well..." May pumasok sa isip kong lugar. "Pwede tayo sa Nepomuceno Church, hindi n'yo pa ata napupuntahan. Sa plaza rin. Ano pa ba? May sisig house rin akong alam. Bilang na bilang lang kasi mga alam kong lugar dito."


Sakto namang bumaba sina Khloe at Amaya na mukhang naligo sa pawis.


Summer LoveWhere stories live. Discover now