Chapter 9

22 1 0
                                    


Ayaw ko nang maulit 'yon. Hindi na talaga...


Napaubo ulit ako at dinaluhan naman ako ni Kiro.


Kakatapos lang namin sumakay sa banana boat at ayos na sana ang lahat kung hindi lang palagi sa akin nakapit si Khloe. Ang ending ay una at sabay kami ni Khloe na bumagsak sa tubig. Pero hindi isa o dalawang beses lang 'yon nangyari kundi apat na beses pa. Kaya patigil-tigil ang pagbabanana boat namin kanina.


"Feeling ko may pumasok na tubig sa ilong ko..." Umubo ulit ako habang kinakapa-kapa ang dibdib.


"Isinga mo lang 'yan."


"Ugh..." Sinamaan ko s'ya ng tingin.


"Bakit? Tunay naman, ah."


"Fine." Ginawa ko naman ang sinabi n'ya. Somehow, I feel better.


Inaya ko na s'yang magpunta sa cottage dahil gusto ko nang umunang kumain ng lunch. Pero may biglang tumawag sa akin. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtantong kung sino 'yon.


"Oy, Gabriela! Kayo ni Khloe ang manlilibre!" Sigaw ni Rayven.


Napatingin naman ako sa paligid. Marami nang tao rito sa resort, hindi ba s'ya nahihiya sa lakas ng boses n'ya? Hinarap ko s'ya at nakitang kasama n'ya pala si Khloe.


"Agad na..."


"Una kayong nahulog. Usapan ay usapan dapat." Aniya.


"Seriously? Hindi kami pumayag sa usapang 'yan, Ray. The ride is just for fun." Wika ni Khloe.


"Wala... Madaya. Hindi nga namin naenjoy ang banana boat kasi bagsak kayo nang bagsak." Sinamaan kami dalawa ni Rayven nang tingin kaya napataas ako ng kilay.


"Ako pa? Sabi ko kay Khloe huwag sa akin kumapit at may hawakan namang dapat kaya nadamay lang din ako." Daing ko.


"Natakot ako, okay? Sorry..." Sabi ni Khloe.


"Ako na lang daw ililibre ni Gab." Singit naman ni Kiro sa usapan namin. "Tapos si Khloe na bahala sa 'yo, Rayven."


Bigla naman umaliwalas ang mukha ni Khloe na parang ang henyo-henyo ng naisip ni Kiro. Ano si Tim, naka-jackpot na naman sa akin ng panlilibre?


"Nakaalin ka na sa akin." Sabi ko sa kanya.


"Kaysa namang lahat kami ilibre mo." Ngigiti-ngiti pa s'ya. "'Di ba?"


"Hindi naman seryoso si Rayven sa usapan..."


"Oy, anong hindi? Usapan ay usapan nga. Manlilibre kayo." Talagang pinipilit pa rin n'ya.


Pinaglaban ko na hindi ako pumayag sa sinasabi nya noong simula pa lang kaya walang bisa ang panlilibre ko. Pero ayaw n'yang magpaawat sa gusto. Kaya sa huli, dahil ako naman ang pinakamatanda sa aming apat ay 'yung suhestiyon ni Kiro ang pinili kong gawin namin.

Summer LoveWhere stories live. Discover now