Patay!
But I shrugged off things like it wasn't affecting me inside intensely. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi! Wala sa planong masabi ko sa kanya na gwapo s'ya! Buti na lang talaga at kaming dalawa lang ang nakarinig no'n.
His reaction? Damn.
Bakit kaya ako biglangnagkakaganito? Sa kadahilanang gwapo s'ya? Well, aminado na nga ako kanina. Pero hindi ko pa rin maunawaan bakit bigla na lang akong natuliro noong kausapin n'ya. Hindi pa naman nangyayari sa 'kin 'yon kahit kailan dahil hindi ako madaling magkainteres sa isang lalaki. Siguro ay dahil hindi pa lang ako sanay sa presensya n'ya.
Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na malimit n'yang makuha ang mga papuring gano'n. That's nothing new to him. At talagang may itsura naman s'ya pati 'yung mga kasamahan.
Nagtagal pa kami kanina sa kubo at nilibot ang niyugan. Habang palakad-lakad kami hindi maiwasan ng mga mata kong mapatingin sa kanya. Pero magiging sanhi pa ata ng atake ko sa puso ay nahuhuli n'ya ako!
Ayaw ko na.
Ayaw kong isipin n'ya na type ko s'ya or kung ano! Meron lang talaga kung anong attraction kapag nandidiyan s'ya. Hindi ko naman talaga masyadong pinoproblema ang nararamdaman ko dahil alam ko namang mabilis din 'tong mawawala. Ang hirap lang talagang hindi s'ya mapansin.
"Penny for your thoughts?"
Bigla akong nagising sa reyalidad nang sumulpot sa tabi ko si Polo. Kanina pa 'kong mag-isa dito sa bakuran ni Lolo, sa duyan, habang sinusubukang ituloy ang binabasang libro.Pero bigla-bigla na lang lilipad ang isipan ko tungkol sa mga pinaggagawa ko sa buhay.
Isa pa 'to. Kanina ko pa rin 'tong napapansin. Hindi dahil attracted ako, kundi dahil s'ya mismo ang lalapit sa akin para mapansin ko. Hindi naman sa weird s'ya, nabibigla lang ako sa mga susunod n'yang gagawin.
Nginitian ko s'ya. "Wala naman..."
Umupo s'ya sa duyang katapat ng akin. Matangkad at malaki rin ang pangangatawan. Mas maikli ang buhok n'ya kumpara kay Arkus. Moreno at may pagkatangos ang ilong. Nasabi ko na bang parang kahawig n'ya si Sam Milby?
"I don't think so." Sabi n'ya. "But it's okay, I won't mingle with your thoughts. Rather, I hust want to get close with you."
"Bakit naman?"
"Kasi apo ka ni Lolo Y?" Infairness, he speaks both languages well.
"At ano ngayon kung apo ako ni Lolo Y?" Diniinan ko ang pagbigkas ko sa huling letra.
Napa-hands up s'ya. "Don't accuse me of anything, Gabriela. I'm naturally friendly, you know."
Hindi naman masama ang tingin ko sa kanya. Let's just say he looks like a playboy. And I don't quite think this is friendliness. But I might just give him a chance.
YOU ARE READING
Summer Love
Fiksi RemajaThere is no space for love in Gabriela's life. No plans, no thoughts. Her mind would never wander about romance. But there will always be an exception, her books. Her love for fiction is known by everyone. She separates her fantasy from reality. But...