Chapter 38

12 2 0
                                    

Gumaan na Ang pakiramdam naming lahat ng makakita kami ng helicopter na patungo sa direction namin, pero nagulat nalang kami ng may malakas na kalampag sa pintuan kaya agad naman kaming napalingon at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko.

"Did you'll miss me?" She asked

"J..jane pano? Bakit?" I asked habang tinatanong ang sarili

"Well siguro ayaw ni satanas na mamatay ako ng hindi nakakaganti sayo hahaha" she said sabay tawa na parang baliw

Bukod sa nandito siya, kitang kita namin sa malayuan ang mga malalaki niyang sugat sa iba't ibang parte ng katawan niya na kinagat ng mga lurkers, pero bakit nakakapagsalita parin siya na parang tao at nakikipagusap samin na para bang hindi siya nakagat.

Everyone is anxious dahil nasira ni jane ang pintuan sa rooftop at anumang oras ay magpapasukan na ang mga lurkers, unfortunately malayo layo pa ang helicopter samin kaya wala kaming magagawa kundi lumaban kung kinakailangan para mabuhay, i will do everything para sa mga mahal ko sa buhay.

And as expected unti unti nang nagpapasukan ang mga lurkers sa rooftop at hindi namin alam kung hanggang kelan kami makakalaban dahil unti nalang ang bala na meron kami, there's 5 of us at siguro lagpas hundred ang mga lurkers na paakyat Dito and it's between life and death situation.

Nakatayo lang ang mga lurkers at tila may hinihintay ito, but when jane shouted bigla-biglang nagsuguran ang mga lurkers na parang mga wild animals, kaya naman we start to shoot at random lurkers, we need to save up bullets as much as possible kung gusto namin mabuhay.

"Akala niyo ba tatagal kayo? Ano mang oras mauubusan din kayo ng bala at wala na kayong magagawa kundi mamatay!!!" Sigaw ni Jane habang pinapanood kaming lumaban.

Bukod sa mga lurkers ay iniisip ko din ang safety na bawat isa, I can't afford to lose someone again, halos di na'ko makapag focus sa laban ko dahil napapalingon ako sa mga kasama ko;

"Jade sa harapan mo!!!" My dad said

Pero bago ko pa maputok ay natumba na ako at pilit na lumalaban sa lurkers na gustong kumagat sakin, I came this far at hindi ako papayag na dito lang matatapos yung buhay ko, kaya walang kung ano-ano pa ay kinuha ko ang dagger ko sa binti ko at agad sa sinaksak sa ulo ng lurkers, tumulo naman ang pulang likido sa pagmumukha ko at wala na akong pake doon, tumayo muli ako at patuloy sa pagputok ng baril.

Wala na akong marinig sa paligid ko at wala nang maramdaman sa nangyayari, ang tanging nasa isip ko ay makapatay ng lurkers as much as possible hanggang sa dumating ang tulong.

Dahan dahan akong lumalakad at binabaril ang lahat ng lurkers na lumalapit sakin, nawala ang takot ko at nagkaroon ng tapang para harapin yung gantong bagay.

"Jade nandito na ang helicopter!" I hear my dad shouted.

Pagtingala ko ay nakita ko ang helicopter at hinahandang ibaba ang hagdan sa amin, kaya naman di ako nagsayang oras at nagpatuloy ako sa mga pagpatay ng mga lurkers para bigyang oras maka akyat ang mga kasama ko.

Nakita ko na unti unting nakaka akyat si nathan aa helicopter habang kasunod lang si Sean, sa kakatingin ko sa kanila ay tinalon ako ng lurkers at muntikan ng makagat pero thankfully ay tinulungan ako ni papa kaya naman akong nakatayo, magsasalita pa lamang ako ay nakarinig ako ng isang putok ng baril.

Narinig ko naman ang malalakas na tawa ni Jane habang may hawak na baril, unti unti namang bumagsak si papa sa sahig, nang makita ko si papa ay agad na tumulo ang mga luha ko Habang nakahawak sa leeg niya kung saan siya nabaril, sobrang lapit na bakit ngayon pa nangyari to? Tumulong Naman ang ibang mga sundalo sa pagpatay ng mga lurkers habang ako ay nagluluksa sa tabi ni papa.

"Jade... Nak kailangan niyo nang umalis, hindi na ligtas ang lugar nato" sabi niya habang nahihirapan huminga

"P..pa naman, di ko kayang mawala ka, di ko alam kung anong gagawin ko, Pa please maliligtas ka pa naman hindi naman malubha ang tama mo" Saad ko Habang patuloy sa pagluha.

Biglang hinawakan ni papa ang pisnge ko sabay nginitian ako, kaya naman mas lalo akong naluha;

"Nak, your strong enough to live without me, kinaya mo nung nawala ako kaya sure akong kakayanin mo Ngayon, (cough) matanda nadin ako Jade kaya okay lang ako hindi ako natatakot mamatay, makikita ko narin si mama mo" Mga salitang binitawan ni papa habang nakagawak sa pisnge ko.

"You need to accept and move on, Pagod narin ako lumaban dahil sa tanda ko, you have grown just like your mother, tough and strong I hope you live a longer life" dagdag niya pa

"Pa, wag mo sasabihin yan magiging okay ang lahat, mabubuhay ka pa ng matagal at magsasama pa tayo malayo sa lugar nato, kaya pa please naman lumaban ka para sakin!!!" Sigaw ko kay papa

"Haha My princess I'm thankful nahanap kita at nakasama kahit panandalian pero kailangan mo na akong bitawan at umakyat sa helicopter, Can I ask you a favor? Can you hug your das for the last time? Nilalamig kasi ako" my dad said in warm tone

I hug tightly at ayaw ko ng bumitaw sa mga kamay niya, handa akong magpakamatay para sa papa ko, kaya kong kalimutan lahat ng sinabi ko para manatili sa papa ko;

"That's enough my princess you need to go, always remember I love you always and i will stay in you heart forever" huling mga salita na sinambit ni papa hanggang sa pumikit na siya na may ngiti sa labi.

Sobrang sakit na nararamdaman ko dahil di ko nasabi sa kanya na mahal ko din siya, yakap yakap ko padin si papa at wala nakong maisip kundi tabihan siya.

"Pa i love you too at hinding hindi kita iiwan ha kaya wag ka malulungkot nandito lang ako mananatili" I said ng nakangiti habang pinupunusan ang mga luha na nasa mata ni Papa

Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon