Chapter 2

1.1K 42 2
                                    

Chapter 2

Engagement

Hindi pa agad kami nagkaroon ng formal engagement ni Castiel. At saka pa lang nangyari ang aming engagement party kasabay na rin ng kaniyang 19th birthday.

"Mommy!" I immediately went to my mom and I hugged her. I miss my parents!

"Daddy!" Pagkatapos ay si Daddy naman ang niyakap ko.

"We miss you, hija." Daddy said.

Ngumiti ako sa mga magulang ko.

"Good evening, po." Nakasunod naman sa tabi ko si Castiel at bumati rin sa mga magulang ko. He greeted my parents politely.

"Happy birthday, hijo." Nakangiting bumati sa kaniya si Mommy.

Pagkatapos ay binigay na rin nila ni Daddy ang gift nila para kay Castiel. And I saw that Castiel happily received it.

And just shortly after my parents arrived ay nagpatuloy na rin akong inayusan para sa party mamaya.

Ngayon lang din kasi dumating sina Mommy sa mismong araw na ng engagement party namin at birthday ni Castiel dahil busy rin si Daddy sa work niya.

At nang pareho na kaming handa ni Castiel ay lumabas na rin kami para harapin ang mga bisita. I think people already know that this was just a business marriage. However, we want to show it to them that we have a good relationship after all.

Inimbita rin ni Castiel ang mga kaklase niya since it's also his birthday.

"We're all gathered here tonight to celebrate the birthday of my grandson, Castiel Villarama, and his engagement with Karla Hasmine Montes. The daughter and heiress of the Montes Real Estate, the largest real estate company in the country." Madam Villarama announced it.

Kung dati ay maliit lang din ang sinimulan na real estate business ng mga Villarama, pero nang napunta ito kay Daddy ay pinalago pa niya ito. Now it's the biggest in the country and also known as one of the huge real estate companies in Asia. At kilala na rin sa iba pang panig ng mundo. Ganoon kalaki ang nagawa ni Daddy kaya naman from Villarama Real Estate ay naging Montes Real Estate na ito ngayon. Bilang si Daddy na rin ang may hawak ng pinakamalaking share sa kompanya.

Kaya sobrang proud din ako kay Daddy. He's an amazing man. Tapos sobrang bait pa niya sa amin ni Mommy. He's the best for me and my mom. And I know to his employees and business associates as well. Because he's a good leader.

Sa mansyon lang din ginanap ang party. At talagang importanteng mga tao lang ang inimbita na mga kakilala rin ni Daddy sa business. Except lang din siguro ang mga kaklase ni Castiel.

"Castiel!"

We heard someone calling him. Lumingon kami sa tumawag at nakita ang mukhang mga classmates na nga ni Castiel. Tumango ako kay Castiel at nagpasya na lumapit na muna kami sa kanila dahil tapos na rin naman naming harapin ang ibang mga guests. At sina Daddy at Madam na lang muna ang kumakausap din sa kanila kasama si Mommy.

"Castiel..." Isang babaeng kaklase ito ni Castiel nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila.

Medyo marami rin pala sila. I think Castiel is also friendly. Mukhang marami nga siyang mga kaibigan.

"Pakilala mo naman kami sa fiancée mo." Ngumiti sa akin iyong isang lalaking classmate ni Castiel.

Nakita kong nagtanguan naman ang iba pa niyang mga kaklase sa sinabi ng classmate nila.

And then Castiel proceeded to introducing me to them.

"Guys, this is my beautiful fiancée, Karla Hasmine Montes...and soon to be Karla Hasmine Villarama." He said like he's acting cool though he just looked like a fool...

The CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon