Chapter 9
Illegitimate Child
At mukhang narinig pa yata ni Castiel na nag-usap kami ni Neil dahil nasa tabi ko lang din siya. Even when he's busy talking with my other friends ay nakuha pa rin niyang makinig sa usapan namin ni Neil.
Nang makauwi na kami sa bahay ay tinanong niya ako. Hindi rin kami talagang nag-stay ng late sa bar na pinagkitaan at saktong kumain lang din ng dinner, and had some alcoholic beverages but we decided to go home after catching up for a while dahil ang iba sa amin ay may mga trabaho pa rin naman talaga kinabukasan. Iba na talaga when you're adults and working.
"Does your friend Neil had feelings for you back then?" He asked me.
At ewan ko rin ba kay Neil kanina na mukhang naglasing pa at kung ano tuloy ang lumabas sa bibig niya nang makainon na, at nasabi pa niya ang tungkol sa pagkakagusto niya sa akin dati, and even in front of Castiel.
Nagulat tuloy pati ang iba pa naming mga kaibigan sa sinabi niya tungkol sa amin.
I'm sure Anna would also ask me again about it tomorrow at work if I won't be able to reply to her messages tonight.
Umiling naman ako kay Castiel. "I'm sorry about it. Neil doesn't mean anything. And he was just drunk." I tried to calmly answer him.
Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. "How...about...you?" Unti-unti naman niya akong tinanong nito.
My lips parted a bit. "What do you mean?"
He sighed. "Did you like him back then, too?"
Umawang pa lalo ang mga labi ko sa tanong niya.
"Or do you still have feelings for him now..." He added another question for me.
At nang makabawi ako ay umiling lang din muli ako sa kaniya. And I realized na ngayon ko lang din ito masasagot sa sarili ko. I didn't have answer for Neil back then, because hindi ko naman talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
Back then I did not know about my own feelings yet. I was only so focused with inheriting my father's position. Kaya nga puro sa pag-aaral lang din ang focus ko noon at halos hindi rin ako makalabas kasama sila ni Neil noon at ang mga kaibigan namin dahil mas pipiliin ko pang mag-study na lang sa bahay.
I didn't have time for other things before. Kaya naman hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko nang umamin sa akin si Neil noon.
Tiningnan ko naman ngayon si Castiel sa harapan ko. He was still standing in front of me and waiting for my answer.
Until he sighed. "I'm sorry. It's getting late. Let's rest for tonight. And... you don't really have to answer my question." He said it as if regretfully.
Tumango naman ako sa kaniya at tinalikuran na rin namin ang isa't isa pagkatapos para magtungo sa bathrooms at makapaghanda na para sa pagtulog...
And the next day we were called at the office early in the morning. Nagkaroon ng kaguluhan sa company when Hazel Villarama started confronting Daddy after she learned about their investigation. At nang malaman din ito ni Madam Villarama ay agad din siyang lumuwas pa-Manila.
"Please go directly to the CEO's office, Ma'am, Sir." Sinalubong kami ng secretary ni Daddy nang dumating kami ni Castiel sa office.
Nandito din ngayon si Hazel Villarama at si Madam Villarama sa opisina ni Daddy. We hurried to my father's office.
At ito na nga ang naabutan namin ni Castiel doon nang dumating kami...
"Mama, totoo ba? Na pinapaimbestigahan ninyo ako tungkol sa pagkawala nina kuya?"
BINABASA MO ANG
The CEO's Wife
RomansaHasmine is keeping a secret from her past. In the past when she married Castiel Villarama for business, and then divorced him afterwards because she found out that he was still in love with his ex... In the past, nothing was more important to Hasmi...