Chapter 3

1K 46 2
                                    

Chapter 3

Faithful

Hanggang ngayon na naglalakad na ako papunta sa altar kung saan nakangiti namang naghihintay sa akin si Castiel sa dulo ay iniisip ko pa rin ang bagay na ito...

It's been three years since I arrived here in Cebu. Noong unang beses kong makilala sina Castiel at ang kapatid niyang si Haniel. At naging maganda pa rin naman ang naging buhay ko sa mansyon ng mga Villarama rito kasama ang dalawang magkapatid at ang lola nila. I also learned a lot from Madam and his grandsons. At kahit pa makulit din ang dalawang apo na Villarama ay natutuhan ko pa rin silang pahalagahan... I learned to care for them and to love them...

After our engagement party, ang sumunod ay bumalik naman si Castiel sa pag-aaral niya. He was currently in his second year in college and also taking up a business course. He's already good with his studies and I just sometimes guide him, while I also try to personally tutor his younger brother Haniel. Pero minsan ay nanggugulo pa sa amin ni Haniel ang kuya niya at nagpapa-tutor din sa akin. Kahit alam naman niya talaga ay gusto pa rin magpaturo. Tingin ko nga ay mas magaling pa siya sa akin noong nag-aaral pa ako. Hindi ko lang din talaga alam minsan kung ano ang nasa isip niya at kung bakit parang kinukuha pa niya ang atensyon ko at nakikihati pa sa kapatid niya na siyang may kailangan naman ng tulong sa pag-aaral dahil bata pa si Haniel.

I tried to make myself more useful while I was in the care of the Villaramas in Cebu. Ayaw ko na wala akong ginagawa. And all my life I thought I was just going to be the next CEO of the Montes Real Estate, but then I ended up marrying the future CEO and heir of the Villaramas instead...

Sinabihan din ako ni Mommy na pwede ko nga na i-guide si Castiel para sa future niya. "Bata pa kasi si Castiel, hija. Kaya medyo hindi pa ganoon ka seryoso... That's why you're there to help him, right?"

Tumango na lang ako kay Mommy habang magka-video call kami. Nakita kong ngumiti siya sa akin.

Malaki ang tiwala sa akin ng parents ko. They believe na napalaki nila ako nang maayos. Kaya naman ayaw ko rin silang biguin sa akin. So the past two years I just did my best and prepared myself to be a better wife and deserving of someone like Castiel Villarama who's the heir of the Villaramas...

Walang araw na wala akong ginagawa habang nasa puder ako ng mga Villarama. I also started helping out Madam in managing their hotels and resorts business here in Cebu. One day ay pinatawag niya na lang ako upang kausapin tungkol sa negosyo.

"You studied business, right, hija?"

I nodded. "Opo..."

"Great!" She smiled. "I talked to your dad. And he's told me that you're actually good. Well, he's trained you. Kaya naman hindi na nakapagtataka na you're just as good as him."

Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Umiling ako. "I'm not as good as my Dad, po..." I said. And I was shocked to be compared to my dad who's so great in my eyes. Marami pa akong kakainin at pagdadaanan bago ako umabot sa punto na kung nasaan ngayon si Daddy. That was why I wanted to work in the company after I graduate...

"It's all right, hija." She gave me a reassuring smile. And then she sighed. "I'm already old. But my grandsons are still young. Wala akong ibang maaasahan sa kanila at ang Daddy mo lang, ang pamilya ninyo." She said.

And I thought of her other daughter. May isa pa silang anak ni Senior Villarama. Iyong pangalawa nila na anak na babae...

Umiling siya. "At malaki na rin ang nagagawa ngayon ng Daddy mo para sa amin ng mga apo ko. We only get to manage our hotels and resorts here in Cebu, because he also looks after the rest of it in the country... Iyong sa ibang bansa naman ay inaasikaso rin ni Hazel..." She mentioned her daughter, if I remember the name correctly. I've been studying about their family now, too. I have to memorize it so that it would also be easier for me to know the Villaramas and their family's history.

The CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon