5

128 12 1
                                    

⚠️Typos and Grammatical errors can be encountered, be patients TY⚠️

Elijah's POV.

"Elijah Del Rosario....hmmm kinda cute name kaso di bagay sayo" nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon pero ngumiti nalang ako kesa papatulan kopa siya. Isa pa kailangan ko din naman ang trabahong ito. Kung alam kolang na itong lalaking to ang Boss ni Nicole baka naisipan kopang mag back-out nalang. Una ko palang nakita ang taong to sa may Coffee shop noon alam ko ng may masama itong pag-uugali.

[FLASHBACKS]

"San punta mo Bes? Masyado ka atang bihis ngayon ahh" saad ni Bes sakin pagkababa ko galing sa kwarto ko. Kung nagtataka kayu kung andito pa siya. Nakikiusap kasi siya sakin na dito na muna siya kasi alam korin naman na takot pa siya na umuwi sa kanila baka hanggang ngayon hinahanap parin siya ni Cristof nayun kaya sino ba naman ako para ipahamak siya sa lalaking yun diba?

"Maghahanap ako ng trabaho bes, sa nangyari sayo at sa mga kwento mo tungkol kay Cristof yung boss naton siguro naman wala na akong balak na pumasok pa dun baka ako naman isunod pag nagkataon diba?" Biro kopa tango naman siya bilang pagsang ayun.

"Gusto kung sumama sayo para kahit papano makahanap din ako ng mapapasukang trabah—" diko na siya pinatapos dahil sumabat narin ako.

"Chaka nayang trabaho-trabaho nayan kung maayus na ang sitwasyon mo okay ba bes?" Saad ko tumango naman siya bilang pagsang ayun kaya di narin ako nagtagal at umalis narin ang ng bahay para magsimula naring maghanap ng trabaho.

[FEW MOMENTS LATER]

"Pasensya kana iho, di kami nangangailangan ng empleyado sa ngayon, Pasensya kana" saad ng may-ari ng restaurant. Tumango naman ako.

"Kung ganon po salamat nalang" saad ko dito sabay lisanin ang lugar nayun. Napaupo nalang ako sa may bandang puno upang sumilong dahil narin sa init ng araw na nararamdaman ko.

Nakakalungkot mang isipin pero ikalimang beses narin akong nagtanong pero di sila nangangailangan ng isa pang empleyado dahil narin sa ang mamahal na ng mga benta at ayaw din nilang malugi ang negosyo nila at di mabigyan ng maayus na sahod ang kanilang empleyado narin.

"Elijah? Ikaw bayan?" Napatingin naman ako sa kung saang boses na tumawag sa pangalan ko. Kunot noo akong nakatungin sa isang babaeng papunta sa gawi ko.

"Elijah ikaw nga!! Masaya akong makita ka ulit" doon ko nakilala kung sino. Si Nicole lang pala. Ang kababata korin dati kaso di kami ganon ka close kagaya ni Rey

"Mas lalo kang gumanda ngayon ahh. Diko lubos akalain na magtatagpo ulit ang landas natin. Kamusta kana?" Saad niya sakin.

"Maayus naman ako ikaw ba? Mas gumansa karin lalo" masaya kung ani dito

"Nako bolero pero bat ka nandito may hinihintay kaba Elijah?" Tanong niya sabay tabi sakin.

"Nako wala, ang totoo niyan naghahanap ako ng trabaho, napatigil lang ako dito para magpahinga" totoo kung ani dito gumuhit naman ang ngiti sa labi niya na ikinataka ko.

"Gusto mobang tulungan kitang makahanap ng trabaho? May alam akong kompanya na naghahanap ng secretary" saad niya sakin tumango naman bilang pag sang-ayun kaso diko alam kung anong trabaho ng isang secretary pero bahala na matututunan ko din naman yan

"Kung ganon ito na ang sagot sa gusto mong magkaroon ng trabaho" saad niya kaya tumango naman ako.

"Sana nga, sana nga"

[End of Flashbacks]

"Sayang,gwapo sana kaso pangit naman ang ugali" bulalas ko sa sarili.

"I know I'm handsome. Dimo na kailangang banggitin pa ang katagang yan" gulat akong nakatingin sa kanya sabay bilia ng tibok ng puso ko. 'Kung ganon, narinig niya ang sinabi ko?' Saad ko sa isip ko.

"So tell me, why should I hire you to be my secretary? According to you papers you only know paano magtimpla ng kape" saad niya. Kung makapagsabi ng ganon ahh parang alam niya kung anong kaya kung gawin.

"Nako Sir, dilang po yan ang kaya kung gawin, kaya kopong maglinis ng bahay at maglaba ng mga damit chaka mamlancha—" diko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.

"Never mind. Just do your best na di ako magalit sayo at gumawa ng kapalpakan sa trabaho. Now start your job" Ma utoridad niyang ani sabay baling sa laptop niya kaya tumayo naman ako sabay baling sa may isang table na sa tingin ko naman ay ito ang magiging opisina ko. Umupo ako sabay bukas ng computer. Kahit mahirap kami alam ko naman paano magbukas ng computer wag kayu tssk.

Habang inaayus ko ang mga papels na kung saan nakalagay sa may lamesa ko ay siya ring pagtunog ng telepono kaya napatingin naman ako kay Sir Chua para tawagin ito.

"Sir? May tumawag po" saad ko dito pero di ata ako narinig kasi pukos parin siya sa sinabi ko kaya wala akong magawa kundi sagutin yung tawag.

"hello it's Sir. Chua new secretary po ano pong kailangan nila?" Sagot ko dito.

"Where's your Boss?" Tanong ng nasa kabilang linya kaya sinagot ko naman ito.

"Ahmm nasa lamesa niya po bakit po?" Sagot ko naman sa tanong niya nagulat nalang ako ng bigla niyang kinuha ang telepono.

"Yea Mr. Gutierez? Napatawag ka? Akala koba next week pa mangyayari ang napag-usapan?" Saad niya dito nakinig lang ako.

"I'm sorry to inform you Mr. Chua na hindi na matutuloy pa ang partnership ng kompanya ko sa kompanya mo." Saad ng Guiterez nagulat nalang akong pinatay ni sir ang tawag.

"The fvck!! Ngayon pa talaga kung planado na ang lahat!?" Galit niyang ani kaya kinabahan naman akong nakatungin sa kanya. Umalis naman siya sa gawi ko sabay pumunta sa lamesa niya at may dinial sa telepono niya sabay kinausap ito. Diko narin narinig ang pag-uusap nila gayung medyo malayo ay mahina rin ang boses ng kausap niya.

Kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa naudlot kung ginawa kanila. Hanggang sa nagsalita si Boss kaya napatingin naman ako sa gawi niya sabay lumapit doon

"Make me some coffee, para kahit papano mabawasan itong inis ko" saad niya kaya tumango naman ako ay walang pagdadalawang isip na umalis para ipagtimpla siya. Una diko alam kung saan ang coffee area nila pero nagtanong-tanong narin ako sa mga guards na nakaabang sa labas ng pinto ng opisina niya kaya tinahak ko naman kung saan iyon.

Rozen Chua: His Possesive Boss [BxB][Mpreg] | REVAMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon