⚠️Typos and Grammatical errors aheads. Watch out!!⚠️
Third Person POV.
Walang humpay na takbo ang ginawa ng binata para lang di siya maabutan ng isang lalaking nagbabalak sa kanyang masama.
"You can't escape from me my dear hahaha!!" Saad niya dito habang malakas ang tawa nito. Pero di ito pinansin ng binata, dahil ang inisip niya lang sa oras na ito ay makatakas sa lalaking nagbibigay marka sa kanyang katauhan.
"TULONG... TULONG!!!" Sigaw ng binata habang patakbo ito ng may nakita siyang lalaking palabas palang ng isang bar at walang pagdadalawang isip niya itong nilapitan.
"Please tulongan moko, parang awa mona please!!" Ssad niya dito habang naghahabol ng hininga sa pagod ng kanyang pagtakbo. Kahit bakas sa pagtataka ang lalaking hiningian niya ng tulong ay agad niya itong hinila papunta kung saan naka park ang kanyang mismong kotse at walang pagdadalawang isip itong pumasok sa loob ganon din ang binatang tinulungan niya.
"I think were safe here" saad ng lalaki sa kanya kaya tumango naman ang binata dito sabay yakap ngmahigpit sa lalaking tumulong sa kanya.
"M-Maraming salamat sa tulong mo. Kung hindi siguradong papatayin niya ko!" Saad niya sa lalaking na siya ring pagdaloy ng mga luha galing sa mga mata niya kaya pinahid naman ng lalaki ito na walang pag alinlangan.
"Hash... you're safe here, don't cry already. Everything will be alright trust me" di alam ng lalaki sa kanya sarili kung bakit niya nabanggit ang salitang iyon pero alam niya sa kanyang sarili na gusto niyang tulungan ang binata at pagbayarin ang lalaking gusto siyang patayín.
"I think he's gone. San ba ang bahay mo ng maihatid kita sa iny—" di natapos ang lalaki ang kanyang sasabihin dahil sumabat ang binata sa gusto niyang sabihin.
"A-Ayukong umuwi. S-Siguradong andun yun sa bahay ko, dahil dun niya rin ako nahanap bago ako t-tumakbo" saad niya sa lalaki kaya naalarma naman siya sa nalaman niya.
"Kung ganon, dun ka muna sa rest house namin sa Tagaytay, habang dipa natin mahuhuli ang lalaking yun okay ba?" Saad niya dito tumango naman ang binata bilang pagsang-ayun dahil ang gusto niya lang ay makaalis sa lugar nayun at hindi makikita pa ang lalaking naghahabol sa kanya upang tapusin ang kanyang buhay
Naramdaman nalang ng binata na pinaandar na ng lalaki ang kanyang kotse hudyat na aalis na ito. Sa pag alis nila sa lugar nayun nagpapasalamat siya na may taong willing siyang tulungan kahit na di nila kilala ang isat isa pero kahit ganon mas namayani sa kanyang isipan na maging ligtas ang kanyang buhay sa kapahamakan.
Liam's POV
"We're here" saad ko sa binata. Kung nagtataka kayu kung sino iyon ay diko din alam dahil humingi lang ito ng tulong sakin doon sa bar kung saan ako nag-iinoman ng mga kakilala ko noong Highschool.
"Mmmm" ungol niya hudyat na gising na ito. Andito kasi kami sa rest house namin dito sa Tagaytay. Ewan ko pero diko naman siya pwedeng dalhin nalang sa bahay lalo pat diko siya gaanong kilala at baka magtataka pa si Daddy.
"Gising na andito na tay—" diko natapos ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa maamo niyang mukha, mapupulang mga labi na sarap halikan.
"Shxt!! Ano batong naiisip ko takte" inis kung ani sa sarili. Nakita ko nalang siyang napaupo sabay tingin sakin.
"Nasan na tayo?" Tanong niya pa habang inaayus ang kanyang sarili. Napangiti naman ako ng payak dahil don.
"Andito na tayo sa sinasabi kung rest house namin hali kana ng makapasok na tayo sa loob" saad kopa at bilis naman siyang tumango at bumaba narin ng kotse sabay sarado ng pinto.
Tinahak namin ang daan papasok ng bahay, at siya naman ay nakasunod lang sa likod ko .
"Liam Ijo mabuti at nakadalaw ka dito." Salubong na mayordoma dito sa mansyon. Kaya ngiti naman ko itong sinalubong sabay yakap sakin at ganon din ako. Di na kasi sila iba samin, pamilya nadin ang turing namin sa mga kasambahay dito sa bahay.
"Oo ngapo Ante Claring, masaya din po ako na nakadalaw uli dito sa mansyon" saad ko dito ng tumingin siya sa likuran ko
"Kung ganon nasan si Papa mo at sino yang kasama mo? Kasintahan mo iho?" Na bigla naman ako sa tanong niyang iyon na ikinalingon ko kay— teka diko pa pala alam pangalan niya.
"Magandang umaga po manang, ako nga pala si Rey at di niya po ako jo—" diko na siya pinatapos dahil sumabat nako bago pa niya masabi ang katagang iyon.
"Ahh oo nga po pala manang kasintahan ko, Si Rey. Kaya po andito kami kasi alam mona masyadong stress kasi kaya dinala ko dito para naman mabawasbawasan diba po?" Ngiti kung ani kay manang at naway nakombinse ko siya. At diko din alam bat yung ang dahilan ko, ayaw ko kaaing mag suspetcha sila.
"Nako tama ka jan iho, dito sa lugar natin maraming pwedeng puntahan na tiyak na mawawala ang iyong hinanakit at pighati sa buhay. Ohh siya pasok kayu at ipaghanda kayu ng makakain uutusan ko nalang si Mary para ayusin ang magiging kwarto niyo Iho" saad pa ni Anye Claring kaya tumango naman kami sabay papasok sa loob ng mansyon.
"Ayus kana ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko dito pagkapasok namin sa kwarto. Tumango naman siya bilang sagot.
"Ayus nako salamat pala satulong mo, kung di kita naabutan baka nasa lamay nako ngayon haha" saad pa niya pero kahit natawa siya ay alam kung bakas parin ang takot sa puso niya. Nakita ko nalang ang sarili ko na lumapit ng bahagya sakanya sabay lapat ng mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya.
"Alam kung natatakot kapa sa nangyari sayo pero kung payagan mokong tulungan ka na maghilom ang mga bangungot nayan, willing akong tulungan ka kung ayus lang sayo" saad ko sa kanya tumango naman siya na ikinangiti ko.
"Kung ganon, maaari kobang malaman ulit ang iyong pangalan?" Tanong ko dito.
"I'm Reynan Dela Cruz, you can call me Riri kung ayus lang sayo" saad pa niya tumango naman ako.
"Ako naman si Liam, Liam Chua" saad ko dito na ikinabahid ng pagtataka sa mukha niya.
"K-Kung ganon, ikaw ba ang pinsan ni Rozen Chua?" Alanganin niyang ani kaya kunot noo naman ako tumango.
"Bakit? May masama badun?" Saad ko dito.
"W-Wala. Ahmmm pwede bang magpahinga mona ako? Kung ayus kang sayo?" Tanong pa niya tumango naman ako.
"Sige pahinga kana muna dahil alam kung pagod ka sa byahe natin papunta dito, gigisingin nalang kita para kumain" saad ko sabay tayo sa kama at lumabas ng kwarto. Pero di parin mawala sa isip ko ang gulat niyang mukha sa nalaman niyang pinsan kami ng ulopong nayun pero dibale na kailangan kung malaman kung sino ang lalaking gusto siyang patayīn at ng malagot sa batas.
To be continue....
A/N: Ayun na nga nagkita narin ang dalawa, hayss sana maging maganda yung magiging istorya ng dalawang to hahaha shiao!!!!
BINABASA MO ANG
Rozen Chua: His Possesive Boss [BxB][Mpreg] | REVAMP
RomanceA Sequel of "Pregnant by Mr. Chua" Reminder lang po na ang istoryang ito ay kathang isip lang na maaaring may magkakatulad sa di inaasahang pangyayari. Ito ay istorya ng dalawang lalaking nagmamahalan ngunit kung kayo ay di gusto ang ganitong genre...