"Bilisan niyo naman! Baka wala na tayong abutan dun!"
"Kalma lang okay!"
"Excited ka masyado?"
"Mamamatay pag di nakapunta agad?"
"Bahala nga kayo diyan! Mauna na ko sa inyo dun!"
Medyo nagmamadali ako ngayon kasi today is the big day of my one and only love of my life. Opening game kasi ngayon dito sa school ng basketball. At siya ang star player ng team nila.
"Hoy Den! Manghintay ka naman!" --Erica.
Si Erica Andres isa sa mga GBB's ko. Accounting student. Magaling sa numero. Matangkad. Morena at makinis ang balat. Long black ang hair niyan. Bilugan ang mga mata.
"Huwag kang masyadong excited! Hindi ka naman mapapansin nun kung andun ka na ba o wala."--Natasha.
Ang supportive niya di ba? Yan naman si Natasha Summer. GBB's ko din. Tourism student. Tisay. Syempre matangkad. May height limit kaya sa tourism. Flawless ang maputing kutis. Balingkinitan ang katawan. Curly ang long hair niya.
"Huwag kang magmadali sa pagtakbo at pag nadapa sayang ang sahig magagasgasan!"-- Samantha.
Ang sweet di ba? Bakit ang hard nila?
And that's my last GBB's. Samantha Garcia. Education student. Mataray ang features ng face niyan. Morena. Matangkad. Sexy. Short brown hair.
Yan ang mga GBB's ko. Girl Best Buddies ko. Magaganda. Matatalino. Pero mga walang puso pagdating sakin.
Joke lang!
They are all kind hearted person. Medyo may pagkamaldita lang kung minsan.
Wait nga lang. Bakit parang ako di pa pinapakilala? Unfair!
Anyway ako nga pala si Denise Alyana Samonte. Ang nag iisang Diyosa ng Hospitality Management Department!.
Simple lang naman ang ganda ko. Ang gandang ako lang ang may taglay! Morena. Balingkinitan ang katawan. Medyo kinapos lang sa height pero still Diyosa pa din. Hanggang balikat lang ang brown hair ko. Oy natural ang kulay niyan. Hindi yan nagpasalon.
Tama na nga ang introduction late na ko! Ang love of my life ko naghihintay na sakin.
"Denise! Stop!" --GBB's
Chorus pa talaga kayong tatlo ah. Pero no one can stop me! No one but----
In just a snap ang katawang diyosa ko nakahandusay na sa sahig. My gahd! Ang sakit ng puwet ko dun ah!
"I'm sorry Miss. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako. Okay ka lang ba?" and he offer me his hand para makatayo.
Aabutin ko na sana yung kamay niya ng biglang umepal ang mga GBB's ko.
"What did you do to her?"--Erica.
"Hindi mo ba nakikita yung dinadaanan mo ha? Eh kung napatay mo yung kaibigan namin."--Samantha.
O.A. lang Sam? Napatay agad? May namamatay ba sa ganito?
"What if nalumpo mo na siya! You will pay for this!"--Natasha.
Lumpo agad? Ang hard talaga nila. Natameme tuloy si kuya. At napapakamot na lang sa batok.
"Ahm. Sorry talaga. I'm in a hurry." sabi ni kuya.
Nun ko lang napansin na naka jersey ito at oh my! Engineering pa ang nakalagay sa damit nito! Ka team pa niya si my one and only love of my life!
"Dalin na lang natin siya sa clinic to check kung ok lang siya." offer ni kuya na ka team ni my one and only love of my life.
"No need! Okay lang ako." and I stand up to show them that I'm okay. But the truth is masakit siya talaga.
"Are you sure Miss?" nag aalalang tanong nito.
Tumango ako. Eepal pa sana ang mga GGB's ko pero binigyan ko na lang sila ng huwag-na-kayong-umepal look.
"Baka ma-late ka pa sa game niyo." taboy ko dito.
"I'm sorry talaga. Babawi na lang ako the next time na magkita tayo." at nagmamadali na itong umalis.
"Ano? Masakit ba?" tanong ni Sam.
Tinatanong pa ba yan? Malamang oo!
Tumango na lang ako.
"Panindigan mong okay ka lang."--Erica.
"Pwede ka ng mag artista Den!"--Natasha. At pumalakpak pa ito.
Nakakatouch talaga sila. They really care for me. Grrr!
"Tara na nga sa gym! Yung my one and only love of my life ko hinihintay na ko!"
Kahit masakit tiisin ko makita ko lang siya at ma icheer.
Pero binigyan lang ako ng are-you-crazy-look nung tatlo. At bingyan ko lang sila ng di-ako-papipigil-look.
And I won! We are heading now sa gym. I'm so brilliant ever!
BINABASA MO ANG
GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayon
Teen Fictionpaano kung yung taong gusto mo ngayon ay nalaman mong nagkagusto pala sayo noon. nakakahinayang noh? gagawin mo ba ang lahat magustuhan ka lang niya ulit o hahayaan mo na lang ang destiny ang magbalik nito.